Pagdating sa bahay nila Bianca ay galit na galit ang kanyang tatay ngunit ayaw ipakita ni Senor Henry ang kanyang galit bagkus ay kinausap niyang mabuti ang kanyang anak.
“I’m disappointed with you Bianca”. Sabi ng kanyang ama sakanya wala namang isang salita ang nasagot ni Bianca sakanya. “Hindi ko alam na totoo pala ang mga sinabi ng principal mo saakin, noong una sabi ko oo mataray si Bianca, masungit siya, mahirap makibagay ang tao sakanya, then suddenly all the things na sinabi ng principal mo sa akin agad-agad na nakita ng dalawang mata ko”.
“Dad I’m sorry!” sabi ni Bianca sakanyang ama na umiiyak at nagmamakaawang patawarin siya ng kanyang ama.
“Wag kang mag sorry sa akin, mag sorry ka sa taong inapi niyo ng mga kasama mo”.
“Magpahinga kana bukas na tayo magusap”. Sabi ng kanyang ama.
Hindi naman makatulog si Bianca sa mga nangyari, tila ba hindi siya pinapatulog ng kanyang konsensiya. Lahat na ata ng posisyon sa pagtulog ay nagawa niya na hangang sa umaga nang tuluyan na siyang nakatulog.
Kinaumagahan pagbaba ni Bianca ay naabutan niyang nagbe-breakfast ang kanyang ama.
“Good morning dad”. Bati nito sabay kiss sa pisngi ng kanyang ama, wala namang kibo ang kanyang ama, naiilang naman ang kanyang ina sa mga nangyayari, parang hindi sanay ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita.
“Magbihis ka may pupuntahan tayo”. Sabi ng kanyang ama
“Saan po tayo pupunta pa?” tanong ni Bianca sa kanyang ama, humigop naman ng mainit na kape ang kanyang ama at hindi sumagot sa tanong ng kanyang anak.
“Bilisan mong kumain at maaga tayong aalis”. Sabi ng ama niya sakanya sabay alis sa harapan ng lamesa.
“Saan kami pupunta?” tanong ni Bianca sa kanyang ina ngunit maging ang kanyang ina ay walang alam sa balak ng kanyang asawa.
Pagkatapos kumain ay nagayos na nang sarili si Bianca, pagkatapos nun ay bumaba na ito. Pagbaba niya ay nasa sala naman ang kanyang ama na kanina pa naghihintay. May mga maleta sa baba ng hagdan at mukhang maga-out of town ang magama.
“Inday kumpleto naba ang mga gamit ni Bianca?” tanong ng ama ni Bianca sa kanilang katulong.
“Opo senor naibaba napo namin lahat”. Sagot nito sakanya.
“Papa, saan ba talaga tayo pupunta, bakit andami nating mga dala?” tanong ni Bianca sakanya, naglalaro tuloy sa isipan niya ang mga bagay-bagay na hindi maganda.
Sumakay ang magama ng eroplano papuntang ilocos, hindi alam ni Bianca kung bakit sila pupunta doon, ang nasa isip niya ay gusto siguro ng kanyang ama na mag bonding silang dalawa tulad ng ginagawa nila ng siya ay bata pa.
Pagdating ng Ilocos Norte International Airport ay sinalubong sila ng isang lalake na malaki ang katawan kasama niya dito ang isang babae na kulot ang buhok at ang kapal ng suot na salamin.
“Mang Gascon”. Sigaw ng ama ni Bianca ng makita ang lalaki.
“Magandang umaga po Senor”. Sabi ni Mang Gascon sakanya.
“Siya nga pala ang anak ko si Daniela”. Pakilala ni Mang Gascon sa kaniyang anak. Si Mang Gascon ay ang care taker ng bahay ni Senor Henry sa Ilocos. Agad na inasikaso ni Mang Gascon ang mga gamit nila, nilagay niya sa likod ng Jeep ang mga Maleta.
BINABASA MO ANG
ABA UMIIBIG NA PALA AKO
RomanceMeet Bianca the socialite girl from manila, Mayaman, Maganda at Matalino ngunit maganda man siya sa inyong paningin, devil parin siyang maituturing. Ano kayang mangyayari sakanya kung mapadpad siya ng probinsiya? well you read and you will know kung...