CHAPTER ONE
[Kyzein's Pov]
I am already on my way heading to a famous boutique para bumili ng damit na susuotin ko para sa makalawa. Yes, sa makalawa na ang kasal ng bestfriend ko. 2 months na ang nakakaraan magmula nung tumawag sakin ang bestfriend ko.
At may tatlong buwan ko na ding iniiwasan ang bestfriend nyang si Gian. At sa loob ng tatlong buwan din ay may palaging nagpapadala sa akin ng bulaklak o di kaya cake sa condo ko.
Di ko alam kung sino ang nagpapadala sakin ng mga ganun basta may mga sweet quotes sya sa bawat pinapadala nya -.- May mga sweet quotes pero wala namang kahit initials nya lang. Tch!
"Ang tagal mo naman, Kyzein."reklamo ni Ate Pia ng makababa na ako sa kotse ko. Sya si Pia Zarin Hermes. KaBatch and colleagues ko pero ate tawag ko sa kanya at ako naman ang baby nya. Lol. Corny ba? Hahahaha. Para na din kasi kaming magkapatid since pareho kaming only child.
"Sorry naman. Traffic kasi."sagot ko naman at pumasok na kami sa boutique.
"Good Morning, madame. Welcome to GorgeousMe Boutique."bati samin ng isa sa mga staff dito.
"WAHHHHHHHHHHH! KYZEIN AND PIAAAAAAA."sigaw ni Margo ng makita nya agad kami. Sya ang may-ari nitong GorgeousMe Boutique -.-
"Ingay mo."giit ni Ate Pia. Natawa naman ako bahagya.
"Pakyu!"sabi pa nya at maya-maya ay sabay kaming natawa.
"Btw! Namiss ko kayo. Antagal niyo ng hindi napapadalaw dito sa boutique ko. Nakakatampo."sabi nya habang iginagaya kami para maupo muna.
"Namiss ka din namin, Margo. Naging busy lang talaga kami nitong mga nagdaang araw."sagot ko habang nakangiti.
"At wag ka ng magtampo. Hayaan mo babawi kami kapag nagkaoras."dagdag pa ni Ate Pia. Ngumiti naman si Margo sabay tayo.
"Yeah3x. Ano pa ba magagawa ko? Hahahaha. Pare-parehas naman na tayong mga busy sa kanya kanya na nating buhay..."
"So? Ano? Pili na kayo ng damit na susuotin nyo para sa kasal."sabi niya ng nakangiti. Tumayo din naman na kami ni Ate Pia at nagkanya kanya ng pili ng damit. Kulay white and pink yung theme nila kaya white or pink ang dapat naming suotin."Oh? Yan na sayo?"tanong sakin ni ate Pia ng ipinabalot ko na ang napili kong damit.
"Oo ate. Hahaha. Ikaw? Nakapili ka na ba?"tanong ko din sa kanya.
"Oo. Pinapabalot ko na din."sabi niya.
"Saan tayo pagkatapos nito?"tanong ko habang nakangiti.
"Edi, gala."hyper na sagot ni ate Pia.
"Sige."natatawa kong sang-ayon.
Pagkatapos naming makuha ang mga damit namin eh namasyal na kami. Nagpunta kami ng plaza, pagkatapos sa City Mall at naglalaro laro kami doon sa timezone. Gaya ng ginagawa namin dati ni ate Pia. Nang mga 5 pm na eh dumeretso kami sa isang sikat na Korean Restaurant at napagpasyahan na doon na lang maghapunan.
"Grabeh! Ngayon lang ulit tayo nakapaggala ng ganito."sabi sakin ni ate Pia habang nakahalumbaba sa mesa.
"Oo nga po eh. Namiss ko toh."nakangiti kong sagot.
"Sana andito din sila Zeke, Gian and friends. Hahahah."natatawang sambit ni ate Pia at nakitawa naman ako. Maya-maya pa eh kinuha na ng waiter ang order namin. At habang naghihintay eh nilibot ko muna ang paningin ko sa kabuuan ng Restaurant habang si ate Pia ay may kinakalikot sa cellphone.
Sa hindi inaasahan ay nakita ko sya kasama ang bestfriend ni ate Pia na kinakapatid kong si Kreisha. Nakatalikod sa amin si Kreisha at nakaharap naman sa amin si Gian. Pero nakatalikod si ate Pia sa kanila. Kaya kami lang ang nagkakakitaan.
Bigla naman syang napatingin sakin at nagkatitigan kami ng ilang segundo pero umiwas na agad ako. Tumingin na lang ako sa ibang gawi at napabuntong hininga.
Nakikita ko sa kanyang mata ang lungkot at sakit. Para bang nagpapaliwanag ang mga mata nya and at the same time parang nagagalak na nakita ako. Pero ayoko ng umasa pa.
Nang maihatid na ang order namin ni ate Pia eh tahimik lang kaming kumakain ng biglang may sumulpot sa harapan namin. Si Kreisha na namamaga ang mata, parang nanggaling sa pagiyak. Medyo nagulat naman ako dun at lalo na si ate Pia. Hila hila niya sa braso si Gian na walang emosyon.
"Hi beshy. Hi sissy."bati nya samin pero parang tunog bitter at sarkastiko yung pagkakabigkas nya nung akin.
"Beshy? Okay ka lang?"tanong ni ate Pia sa kanya.
"Anong nangyari sayo sissy?"tanong ko. Kahit naman magkasama sila ng taong mahal ko eh hindi ako kailan man nagalit sa kanya. Kay Gian lang ako umiiwas pero sa kanya hindi.
Ngumiti sya ng mapakla at tumawa ng bahagya.
"Wala namang nangyari, sissy. Sadyang masaya lang akong nakita namin kayo dito."may halong diin na banggit nya sa endearment namin.
"Tara na, Kreisha. Iniistorbo mo sila."naiinis na yaya ni Gian sa kanya.
"Tangna! Teka lang Gian. Magpapaalam lang ako sa kanila."galit na mahinang sigaw ni Kreisha sa kanya.
"Teka? Nagaaway ba kayo?"tanong ni ate Pia sa kanila. Umiling naman si Gian at si Kreisha ay tahimik lang.
"Pasensya na beshy, sissy. Andito lang ako para magpaalam sa inyo. Nakita ko kasi kayo habang pabalik ako galing cr. Sige. Pasensya na naistorbo namin ang pagkain ninyo. Aalis na kami ng babybabe ko. Bye."halatang pilit na pinapasaya ni Krisha ang boses nya at mapaklang ngumiti samin. This time, hindi na sya ang humihila kay Gian kundi si Gian naman ang humihila na sa kanya palabas ng resto.
"Ano kayang nangyari dun sa dalawa?"tanong ni ate Pia. Nagkibit balikat naman ako dahil parehas kaming walang alam sa nangyayari sa kanila.
"Nako! Wag lang talagang sasaktan ni Gian ang bestfriend ko. Masasakal ko talaga sya ng wala sa oras."sabi ni ate Pia habang dinidiin ang kutsilyo sa paghiwa ng karne. Umiling-iling na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.
"Teka? Ikaw ba eh wala na talagang nararamdaman kay Gian?"tanong bigla sakin ni ate Pia. Seryoso naman akong umiling-iling.
"Mabuti naman. Mabuti na yung nakakasigurado."sabi niya pa. Tch! Napabuntong hininga na lang ako at kumain na ulit. Ano namang kinalaman ng nararamdaman ko kay Gian sa nangyayari sa kanila -.-
Pagdating ko sa condo ay hindi na ako nagulat ng may natagpuan na naman akong bulaklak dito. Pero nagulat ako sa nakasulat 'I Miss You and I Love You. This will be the last flower. Goodbye.'yun ang nakasulat.
"G.D?"basa ko sa initials na nakalagay. Teka? Ito ang kauna-unahang naglagay sya ng initals ah. Sumilip-silip pa ako sa labas nagbabakasakaling makita ko yung nagbibigay nito. Pero wala. Walang tao sa hallway.
Napailing-iling na lang ako at pumasok na sa loob.
THANK YOU :)
PLEASE VOTE AND COMMENT

BINABASA MO ANG
[UNEDITED] "You're Mine" (Completed)(ShortStory)
RomanceShort story... short story... short story