Prologue

67 3 1
                                    

PROLOGUE

[Beks? Punta ka sa kasal ko hah?]...giit nung nasa kabilang linya. Ang nagiisang boy bestfriend ko na si Zeke Mondragon.

"Watda? Ikakasal ka na beks? Bat ngayon mo lang sinabi?"tanong ko sa kanya.

[Mabilis kasi ang pangyayari beks eh. Atsyaka... ngayon pa lang din naman kami nakapagdesisyon.]...sagot nya sa kabilang linya.

"Teka? Bat wala akong maalalang nagpropose ka sa Gf mo?"

[Ehhh? Hindi na nga ako nakapagpropose eh. Mabilis nga kasi ang pangyayari.]

"Hmmm. Paanong mabilis ba? Ano ba kasi talaga ang nangyari?"

[Nabuntis ko sya.]...mahinang sambit nya. Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya pero medyo lang.

"Tsk3x! Kaya gusto nila ikasal agad kayo?"

[Oo.]

"Panagutan mo talaga si Zainy, beks hah? Nakoooo! Yan na nga ba sinasabi ko eh. May mabubuo talaga. Tsk3x."

[Oo naman beks.]

"Oh? So, kailan nga ang kasal nyo?"

[Sa December 18 pa beks. Para may 2 months kaming paghahanda.]

"Mabuti yan. Text mo na lang sakin ang Venue at time, beks. Asahan mong pupunta ako at ihanda mo ang sarili mo dahil babatukan kita."seryoso kong sabi pero natatawa ako sa loob2x ko.

[Bat may batok?]...naiimagine ko na mukha nito. Nakapout nato habang sinasabi yan. Pfft!

"Btw! Sino-sino naman ang papapuntahin mong mga batch and colleagues natin?"

[Hmmm... Sa batch natin, ofcourse ikaw, Gian and si Pia lang. Sa Colleagues naman natin sina Inigo, Keanu, Kian, Hena and Saito lang.]

"Ahhhh. Sige, sabay na lang kami ni Ate Pia na pumunta sa venue ng kasal mo."

[Sige2x.]

"I'm happy for you, beks."sabi ko ng nakangiti kahit pa hindi niya ako nakikita.

[Thank You, beks]

Matapos ang ilang minuto naming paguusap eh binaba ko na ang tawag para makapaghanda na sa pagtulog.

Napabuntong hininga na lang ako sa kaisipang makikita ko na naman sya matapos ang isang buwan ko ng pagiiwas. 2 months... 2 months from now magkakaharap na naman kami *sighs*

Nagpalipat ako ng department ng dahil sa kanya para iwasan sya. Pero nakakatwang dahil lang sa ikakasal na ang bestfriend ko eh magkikita na naman kami at magkakaharap.

Btw! Ako nga pala si Kyzein Victoria. 24 years of age. Wala masyadong pinagaabalahan sa buhay maliban sa pamilya, mga kaibigan at trabaho lang. NBSB toh. No boyfriend since break. Hahahaha. Lol. Isa akong marketing officer, sikat na part-time model and may malaking boutique din ako for medicine. Kung paano ko ito nahahandle? Well, ewan ko din. Basta yun ang gusto ko.


A/N: Maikli po talaga bawat chap nito😅

THANK YOU!!!

PLEASE VOTE AND COMMENT

[UNEDITED] "You're Mine"  (Completed)(ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon