Chapter 4

29 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

[Kyzein's Pov]

Pagkatapos nga nung video showing ay ihahagis na nga ng Bride ang bouquet nya.

"Oh? Lahat ng Single Ladies tayo na."tawag ni Mr. Sandoval saming mga babae.

"Ay! In ako dyan."masiglang sigaw ni Hena at nagtatatakbong pumunta sa gitna. Tch. Ako naman ay prenteng nakaupo lang. Wala akong balak na sumali.

"Oy, Kyzein. Tara na."yaya sakin ni ate Pia. Pero umiling lang ako.

"Hay nko? Hindi pwedeng hindi sasali okay? Wag kang KJ."giit nya pa at hinila ako sa gitna. Wala naman na akong nagawa ng mapunta na kami sa gitna.

"Okay? Lahat ng single ladies ba ay nandito na?"paninigurado ni Mr. Sandoval. Sumagot naman ang lahat ng 'OO'.

"In  a count of three..."pabitin ni Mr. Sandoval.

"One..."kunyareng inihanda ko naman ang kamay ko sa pagsalo kahit wala akong kagana ganang sumalo.

"Two..."

"Two and in half..."

"Three..."pagkasabi ng three ay agad na hinagis ni Zaiyn ang bouquet and to my surprise. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hawak hawak ang bouquet.

"Ohhh? Ms. Victoria got the bouquet. I guess, we will have a next couple."masayang anunsyo ni Mr. Sandoval. Madami namang single ladies na nanghinayang. Pfft!

"Wahhh! Ang swerte mo naman Zein. Huhuhuhu. I really wanted that bouquet."sambit sakin ni Hena ng makabalik na kami sa pwesto. Ang mga single gents naman ang tumayo ngayon at nagpunta sa gitna.

"If you really wanted it. Then you can have it."nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tungeks! Hindi yun pwede. Kung sino ang nakasalo, kanya na yun. In short, dahil ikaw nakasalo, kaya iyo na yan. Wahahahahhaha"tugon din ni Hena at binatokan pa ako. Gagueng baliw talaga.

"In a count of three..."nakita naming naghahanda na ang mga boys.

"One..."

"Two..."

"Two and in half..."

"Three..."inihagis na ni Beks ang garter. At nagaagawan na ang boys. Tss!

"Wow! Mr. Del Valle got the garter. Ms. Victoria please come here at the center."nagulat naman ako sa anunsyo ni Mr. Sandoval ng may nakakuha na ng garter sabay tawag sakin at pinapapunta sa gitna. Nanlalaking mata naman akong pumunta sa gitna dahil hindi ako makapaniwalang si Gian ang nakakuha ng garter. Is this coincidence o sinadya nya lang? But why would he do that?
Nang makapunta na ako sa gitna sa pwesto nilang dalawa ay nakita kong nakangisi si Gian. What the? Hindi ako makapaniwalang tinignan sya at tinaasan ng kilay.

"This is amazing! We have a great couple. A very stunning and talented lady then a very handsome gentleman. What do you think guys? Diba bagay sila?"tanong ni Mr. Sandoval sa lahat. Marami namang sumigaw ng yessss pati na ang mga kaibigan namin.

Maya-maya pa ay nagulat ako ng maglagay sila ng upuan dito sa gitna.

"So, since kayo ang nakakuha ng garter and bouquet. Ikaw Mr. Del Valle ang magsusuot ng garter sa right leg ni Ms. Victoria pagkatapos ay sasayaw kayong dalawa sa gitna."nakangiting anunsyo ni Mr. Sandoval. What the f**k? Nanlalaki na naman ang mata ko ng pwersahang ipinaupo nila ako. The f*dg*! Magpoprotesta sana ako pero inunahan na ako ni Mr. Sandoval.

"Walang kill joy, okay! Hahahahha."sabi nya sabay tawa.

"In a count of three isusuot mo na Mr. Del Valle ang garter. Walang time limit toh."wika pa ni Mr. Sandoval. Naghiyawan naman ang mga tao dito sa reception hall. Napatingin naman ako kay beks pero pati din sila ni Zaiyn nakikihiyaw T_T

"One..."

"Two..."

"Three..."

At dahan dahan nya itong isinuot sa right leg ko. Hindi naman sya nahirapang isuot yun dahil may slit ang long dress ko.

"Taas pa."sigaw ng lahat. Ramdam ko namang nanginginig pa ang kamay nyang itaas yung garter hanggang sa ibaba ng tuhod ko na.

"Angat pa."sigaw nila ulit. Nagkatitigan muna kaming dalawa bago nya iangat pa yung garter hanggang sa may hita ko na.

"Ang sweet nila tignan. Nakakakilig, diba? Yiehhhh. Sayaw naman kayo ngayon ng romantic dance."biglang salita ni Mr. Sandoval. Umiling-iling naman akong napatayo.

"Teka? Papayag ka talagang sumayaw tayo?"naiinis kong tanong sa kanya. Ngumisi lang sya at nagkibit balikat. Sininghalan ko naman sya. Tch!

"Ngayon ka pa ba magpapakakill joy? Come on, Kyky."nangaasar na giit nya. At maya-maya pa ay nagsimula na silang magpatugtog ng music.

[NP: You and Me by Lifehouse]

Sumeryoso sya bigla at kinuha ang mga kamay ko tapos ay iginaya sa may balikat nya at hinawakan naman nya ako sa may baywang. Mas inilapit nya pa ako sa katawan nya, kaya mas malapit na kami ngayon sa isa't isa.

Hindi ko mapigilan ang mailang, kaya naman napayuko na lang ako at hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Kyky? Look at me."utos nya sakin at sinunod ko naman. Naiilang ko syang tinitigan.

"I miss you."mahinang sambit nya. Kitang kita ko naman ang sinceredad sa kanyang mga mata 'I MISS YOU MORE' yun ang gusto kong sabihin pero ayaw lumabas sa bibig ko. Nanatiling nakatitig lang ako sa magagandang mata nya.

"Kyky? Can we talk after this event?"puno ng pag-asang tanong nya.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Gian."mariin kong sagot.

"Meron pa, Kyky. Marami akong tanong na ikaw lang ang makakasagot, please?"pagmamakaawa nya. Now, tell me? How can I just reject this man infront of me?

Hindi ko sya matiis na makitang nagmamakaawa sa akin, kaya nga wala akong pasabi na nagpalipat ako ng department, iniba ko ang trato ko sa kanya at iniwasan sya ng todong-todo. Hinayaan ko lang sya na magulohan sa biglaang pagiiba ko...dahil natatakot akong kwestyonin nya ako at hilingin sa akin na manatili pa rin akong kaibigan nya. At yun ang ayokong mangyari.

"Sige na. Sige na. Tss."napipilitan kong sagot. Now, I am really stupid!

Nagtitigan lang kami habang sumasayaw dito sa gitna at wala ng isa sa amin pa ang nagsalita.

"Can you see it guys? Ibang iba ang titigan nila sa isa't isa. Punong puno ng pagmamahalan. Don't tell me..."

"Sila ba?"napalayo naman agad kami sa isa't isa ng marinig ang tanong ni Mr. Sandoval.

"Wala hong kami."giit ko at nauna ng pumunta sa puwesto namin at naupo.

"Wahhhhhh! Ngayon ko lang kayo nakitang ganun kalapit sa isa't isa and I can say that bagay kayooooooo. Wahhhhhhh."parang kinikilig na sigaw ni Hena. Tch!  Hindi ko na lang sya pinansin pa.

"So, let's proceed now. Unahin muna natin ang nga kaibigan ng lalaki."masayang anunsyo ni Mr. Sandoval.

"Ms. Victoria and Mr. Del Valle? Please come here on stage. Kayo ang mauuna."anunsyo ulit ni Mr. Sandoval na ngayon ay nasa stage na malapit kina Zeke at Zaiyn. Tumayo naman agad ako at inunahan ng maglakad si Gian. Ayoko syang makasabay.

Nang makalapit na ako ay ngumiti muna ako sa bagong kasal bago nagbigay ng mensahe. Pagkatapos kong magbigay ng mensahe ay bumaba na ako nagtungo agad sa pwesto namin at naupo.

"So, Good Evening, everyone and to our newlywed."paunang salita ni Gian.

"Ate Pia? Labas lang muna ako. Papahangin lang."paalam ko sabay ngiti ng bahagya. Tumango naman sya at tinanguan din ako ng mga kasamahan namin.

Napabuntong hininga na lang ako ng makalabas na ako ng Hotel at tahimik na naupo dito sa may bench sa labas habang tinatanggal ang stiletto ko.

Napasandal naman ako sa bench ng matanggal ko na ang stiletto ko at napabuntong hininga ulit.

[UNEDITED] "You're Mine"  (Completed)(ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon