Chapter 5

29 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

[Kyzein's Pov]

"Kyky"hindi ko na nilingon pa ang may-ari ng boses na tumawag sakin dahil alam ko na kung kanino galing yun. Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kawalan.

"Kyky..."tawag nya ulit sakin. This time ay tinapunan ko na sya ng tingin na ngayon ay nasa tabi ko na.

Napagisip-isip ko. Siguro nga ito na ang panahon para malaman nya ang tunay na nararamdaman ko. Baka sakaling, hayaan nya na lang ako at hindi pa pahirapan.

"Bakit? Bakit Kyky?"napatitig naman ako sa nangungusap nyang mga mata. Hahayaan ko muna syang ilabas ang lahat ng tanong nya bago ko sagutin.

"Bakit ka biglang umiwas sakin? Bakit mo ko iniiwasan? Bakit ang lamig ng trato mo sakin? Diba magkaibigan naman tayo?... Diba okay pa tayo nung huling araw na kinausap mo pa ako ng maayos? Hindi ko kasi maintindihan kung bat nagkaganun bigla eh. Maayos naman tayo...Wala naman akong maalalang pinagawayan natin. Ano ba talaga ang nangyari?"puno ng hinanakit ang kanyang mga boses at mata habang sinabi nya ang mga yun. Bumuntong hininga naman ako bago nagsalita.

"Alam mo bang kaya kita iniiwasan ay para maiwasang masaktan ang sarili ko?..."panimula ko at nginitian sya sabay tingin sa kawalan na para bang inaalala ang nakaraan.

"Kaya kita iniwasan... dahil ayokong mahulog pa ng tuloyan sayo. Hanggat maaga pa ay gusto ko ng pigilan ang sarili ko....Alam ko naman kasi eh...alam ko namang nagkakamabutihan na kayo ni Kreisha at ayoko ng pumagitna pa. Yun nga lang hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo nung nakaraan at wala na akong balak pang alamin pa yun."bumuntong hininga ulit ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. Sya naman ay nanatiling tahimik at seryoso.

"Nung unang araw na iniwasan kita ay yun din ang araw na sinabi sakin ni ate Pia na kayo na daw ni Kreisha. Sobra akong nasaktan nun. Dahil umasa ako...umasa ako na mahal mo pa rin ako. Umasa ako na hinihintay mo pa rin ako...kagaya ng pangako mo...nung mga highschool pa tayo. Akala ko may nararamdaman ka pa rin sakin pero hanggang kaibigan na lang pala yun. Kaya ayun hindi ko na natiis pa ang sakit at iniyak ko ang lahat nung araw na yun at nagdesisyon na akong iwasan ka. Kung bakit kasi kung kailan na ako nahuhulog sayo ay nahulog ka na din sa iba. Ang tanga ko lang talaga siguro na pinaghintay pa kita...ayun tuloy na sulot ka na ng iba. Gusto ko lang din naman kasing malaman kong totoo ba talaga ang pagmamahal mo sakin at kaya mo kung hintayin hanggang sa kusa na kitang mahalin. Pero yun nga, hindi mo ko nahintay. Masyado ata akong natagalan. Sorry...nahuli ako ng dating."ramdam ko ng nangingilid ang luha ko pero hindi ko na yun pinigilan pa.

"Bakit ako umiwas? Bakit kita iniwasan? Kasi ayoko ng saktan pa ang sarili ko. Bakit ang lamig ng trato ko sayo? Dahil yun lang ang alam kong paraan para iwasan mo din ako. Oo, magkaibigan tayo noon pero hindi na ngayon...dahil may lamat na sa pagitan nating dalawa. Oo, okay pa tayo nung huling araw na kinausap kita ng maayos kaya pasensya kung kinabukasan bigla na lang akong nagbago. Mahal na mahal na kita Gian na umabot sa puntong kaya kitang bitawan para lang maging masaya. Kung sa piling ko hindi ka magiging masaya, sige hahayaan kitang mapunta sa iba...basta maging masaya ka."humikbing wika ko.

"Kaya Gian. Wag muna akong pahirapan pa. Nagmamakaawa ako sayo...huwag ka na muna lumapit sa akin o magpakita. Aayusin ko lang muna ang nagkapira-piraso kong puso."huling wika ko sabay tayo at naglakad papalayo sa kanya. Pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay bigla nya akong niyakap.

Napailing-iling na lang ako habang umiiyak.

"Mahal na mahal din kita, Kyky. Please wag ganito. Sorry. Sorry. Sorry. Hindi totoo na naging kami ni Kreisha. Hindi kailan man naging kami. Please, maniwala ka sakin."umiiyak na din sya habang nagpapaliwanag.

[UNEDITED] "You're Mine"  (Completed)(ShortStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon