Rainbow under the Moonlight

34 0 0
                                        

Luke's POV

"Merry christmas baby bear"
Bati sa akin ng boyfriend kong si Saint. 12 days before Christmas pa naman pero ngayong kasi ang uwi niya. Hinintay niya talaga mag hating gabi para lang makapag greet lang sa akin, gustong gusto ko siyang yakapin ng mga panahong iyon  dahil sa Isang taon din kami nagkahiwalay.kailangan niya kasing pumunta ng Barcelona,Spain para ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
12 hours of calling, grabe no halatang sabik kaming dalawa sa isa't isa, na kahit alas dose na ng gabi ay wala parin kaming patawad.

"Don't worry ilang oras nalang din naman, dito kana"

"Buti nga at pinayagan ako ng parents ko na magspend ng holiday sa Pilipinas. And I have so many presents for you." sabi niya ng may tuno ng pagkasabik.

"Ang pag-uwi mo palang regalo na para sa akin."

"Mas special kapag meron and this is my first gift for you in the 12th day before christmas. This call cost me fortune you know!Sige matulog kana baby paggising mo nasa tabi mo  na ako!"

"Sira! susunduin pa kita! Sige na matulog kana alam ko pagod ka sa byahe,goodnight."

In-Off ko na agad cellphone ko bago pa siya magsalita uli dahil alam ko maghihintayan na naman kami sa isa't isa, Naalala ko noong nagsisimula palang kaming dalawa,nagsasabihan kami na matulog na hanggang sa abutan na kami ng umaga. 6 years and still counting ganyan na kaming dalawa pero pinapanatili parin niya ang pangsusuyo sa akin, ang landi no! Pero hindi naman siya ganyan nang unang beses kaming nagkita.

*Flashback*

"Luke Jordan Seraspi!!! Yes!! Migs, nasa list ako ng nakapasa ng entrance exam ng ***."

Tuwang tuwa ako nagtatatalon habang kausap ko ang best friend ko si Miguel. Pero di ko sinasadyang may mabangga sa likod ko.

"Ay sorry po kuya,di ko po sinasadya!" at tinulungan kong magpulot ng mga libro ang isang lalaki na parang ilang taon ng hindi naliligo, marungis at mahaba ang buhok.

"Hindi ok lang, ako na ang bahala."

"Sige na po tulungan ko na po kayo tutal kasalanan ko naman po."

"I said I'm fine ok!"

"Ok, you don't have to be rodd (Me being sarcastic)!"

"Rude, it's rude."

"I know!"

"Luke let's go, bago pa tayo ma pa-trouble tingin ko kaya niya naman sarili niya." habang hinihila ako ni migs paalis.

Nakakabadtrip naman! Pero let's look for the silver lining of things. Naka pasok ka sa *** na school at 'yon ang importante. Bahala na siya sa buhay niya kung sino man siyan hinayupak.

Fastforward

So ganito na nga first day of my freshmen year laking gulat ko nalang na!

"So Good morning class this will be your Calculus subject and to introduce myself I'm Saint Anastacio. I'm Currently 23 years old, let me be straight to all of you, ayoko sa lahat ay 'yong mga pabibo at mga may attitude kaya kung ayaw niyo sa pamamalakad ko then leave this class." Siya ang magiging Prof. ko like what the heck!

*End of Flashback*
Tiit~Tiit~Tiit~

*7:00 am

A dream, na-mi-miss ko na talaga siya na kahit ang unang pagkikita namin napaniginipan ko na.  I should get going or else maiipit ako sa traffic. Wala naman akong ginawang special, hindi na ako nagbihis ng maayos kasi alam ko naman na wala siyang paki doon kaya umalis na ako ng walang ligo. Hahahaha ang jeje ko talaga nagsuot lang ako ng puting tee na semi-fit at black jeans, unting pabango para hindi halata. I took my car keys, gagamitin ko ngayon ang honda civic, I don't usually use it kasi mas makakatipid ako kapag nag-commute ako, pero may mga bagahi kasi siya. So I drove my car and pagdating ko sa airport ay hindi na ako pinaghintay ng panahon, I saw him waiting for me. I stop the car in front of him, I opened the window and asked him.

Rainbow Under the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon