Rainbow under the Moonlight

4 1 0
                                    

Fast forward naman to December 24 para maiba *

Lukes POV

Dahil sa Noche Buena na ay dinala ako ng honey bear ko sa rooftop kung saan makikita namin ang buwan na nag-uugnay sa aming dalawa. Nasurprise ako sa mga kandila at Christmas lights na nakapalibot sa isang canopy na kinalalagyan ng isang round skirted table. Nandoon din ang mga handa niya. No flowers though alam niya kasing hindi ako fan ng flowers pero

"Surprise!!!Happy anniversary."

"Happy anniversary din honey bear."

"It is good na we have a good trip down to our memory lane during my stay here in the Philippines."

"Anong memory lane? Naalala mo na naman mga pinaggagawa natin during your visit? naku! mas lalo mo akong mamimiss niyan kapag wala na ako sa tabi mo. "

Sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman na kahit nasaan pa ako, mapa-Barcelona man yan! Palagi kang nasa tabi ko."

Ang dami talagang kadramahan ng Honey bear ko. Mas matanda yan sa akin pero kung magdrama ay dinaig ang teenager.

"Opo marami talaga akong drama, but I do it for you to notice me."

"Hindi mo na kailangang magpapansin ikaw lang naman talaga papansinin ko."

Its almost Christmas at ini-enjoy naming dalawa ito sa isang candle lighted dinner sa rooftop ng bahay para hindi lang e-celebrate hindi lang ang Christmas kundi yong araw na sinagot ko siya.

Yup! Sinagot ko siya on Christmas eve pero mamaya na tayo ulit mag-flashback eenjoyin ko na muna ang dinner namin. Nakatulala lang ako sa kanya habang kumakain pero bigla siyang umalis pero sabi niya maupo lang daw ako muna at may surprise daw siya ulit sa akin.

Pagbalik niya ay may limang teddy bear siyang dala-dala kaya nagsermon nanaman ako ulit sa kanya.

"Diba sabi ko sa iyo na kahit hindi mo na ako bilhan ng regalo basta may meaning lang ang gawin mo masaya na ako, tulad nitong dinner date natin."

"I know that to, so I did put a meaning unto this gift. Alam mob a kung bakit lima itong teddy bears?"

"Bakit?"

"Kasi si baby bear at si honey bear magkakaroon na ng tatlong maliliit na bears."

Hala ano bumili rin ba siya ng tatlong oso? Diba bawal yon? Umalis siya para buksan ang pinto ng hagdan pababa. Kinakabahan na ako baka mamaya dumugin na kami noon. Wait!!! Huwag niyo akong itulad sa mga ibang character sa wattpad ha!!! Hindi ako tatanga tanga tulad nila pero possible kasi iyon para sa kanya. Tumakbo ako papunta sa kanya para mapigilan ko kanyang mga balak pero huli na ang lahat. Sa kanyang pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang tatlong pomeranian puppies na mukhang maliliit na teddy bears.

 Sa kanyang pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang tatlong pomeranian puppies na mukhang maliliit na teddy bears

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Honey bear ano to?"

"Sila na ang bago nating magiging baby bears!"

"Ibig sabihin hindi na ako si Baby bear dahil ako na ang kanilang Mama bear!"

Rainbow Under the MoonlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon