f i v e

30 3 0
                                    

kim jandi's pov

"Ano, Jandi? Gusto mo ng mag-order?" Tanong sakin ni Daehwi. Nasa cafe na kaming dalawa.

"Hintayin nalang muna natin 'yung iba."

"Natatakot ka lang sa dare na binigay ko, eh..." Inasar niya ko.

"Shut up," pinalo ko siya ng malakas.

"Aray! Oo na, hintayin na natin sila!"

Nanahimik na rin siya pagkatapos, kaya tumingin-tingin nalang ako around the cafe para makita kung may makikilala ba ko.

Nag-land 'yung mga mata ko sa isang lalake na nasa likod ng cashier.

"Hoy, bakla," tinawag ko si Daehwi.

"Anong bakla ka diyan? Ano nanaman ba, ha?"

"Diba kaibigan 'yun ni kuya?" discreetly kong tinuro 'yung guy sa cashier.

Tinignan niya at tumaas 'yung kilay niya in recognition. "Si Park Woojin 'yan, and yes, kaibigan niya kuya mo. Actually, magpinsan silang nagtatrabaho dito, eh."

"Sino pinsan niya?" Tinanong ko.

"Si Park Jihoon. 'Yung matalino sa klase mo."

"Ahhh. Kaibigan din pala siya ni kuya..."

Maya-maya narinig kong tumunog 'yung tiyan ni Daehwi.

"Hoy, Jandi, gutom na talaga ako..." he whined.

"Edi mag-starve ka diyan."

"Sama mo," sinamaan niya ko ng tingin. "Mag-order na kaya tayo, ang tagal nila, eh."

"Sige na nga."

"Malalaman mo na rin kung sino yung ipapafall mo," nagwink naman siya sakin.

"Mag-order ka nalang nga."

Pagkatapos naming mag-order, I anxiously started to look around para makita kung darating na ba ang taga-serve ng pagkain namin.

"Ayieeee, hinihintay niya~~~" Inasar nanaman ako ni bakla.

"Ano ba? Manahimik ka na kaya. Also, nasan na ba 'yung iba?"

"Tinamad na ata."

Binuksan ko ang phone ko para pumunta sa group chat. Bago ko naman mapindot 'yung send, may narinig akong nagsalita sa likod ko.

"Hello, here's your order po."

cafe | park jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon