"Punta na tayo sa cafe?" Tinanong sakin ni Jihoon once nakita nya ko sa labas ng classroom namin.
"Sige," sagot ko.
Tahimik kami sa simula, as always, pero naisip ko at some point na wala rin akong mararating sa deal namin ni Daehwi kung parehas lang kaming mananahimik ng ganito all the time.
"Bakit mong inoffer na itututor ako nung isang araw?" Tinanong ko siya.
"Uhm... Mahilig lang akong magtutor ng mga tao."
"Bakit?"
Ngumiti siya sakin ng slight. "Medyo personal 'yung sagot ko dun, eh."
"Ah, okay... Gusto ko lang kasing may malaman tungkol sayo, ang awkward kase na makakasama kita halos araw-araw even though we barely know things about each other."
"Ah, okay... you can ask me questions naman if you want, 'wag lang yung masyadong personal."
"May tanong ako..."
"Hmm?"
"Pano mo naging bespren kuya ko?"
"Actually 'yung squad namin, dati pa 'yun, pero wala pa ko dun at first. Ako, actually, yung huling pumasok sa squad. Close cousin ko kasi si Woojin kaya pinasok niya nalang ako sa squad na 'yun para di na siya pabalik-balik sakin at sa sakanila."
"Pero kaclose mo silang lahat?"
"Yeah, especially Woojin. Ikaw naman?"
"Hmm?"
"I want to know something about you, since now you know something about me."
"Ah, okay... uhm, 'di ko alam kung anong sasabihin..."
"Baket mo ginustong mameet yung squad namin?"
Oh, fuck.
"Ano kase..."
Jandi, 'wag kang maging bobo!
"Gusto ko lang makilala yung mga laging kasama ni kuya, eh. Nacurious lang ako."
Good job, Jandi.
"Ah... and maghanap ng tutor?"
"Yeah... haha."
Tangina, ang awkward ng tawa ko.
Pagkarating namin sa cafe, nagstart na kami agad-agad sa pag-aaral. Medyo boring 'yung buong experience na 'yun kaya 'di ko na ikukuwento.
Hinatid niya naman ako ulit pauwi. Pero, nakahintay naman si kuya sa harap ng pintuan pagdating namin sa bahay.
"Hoy, baket kayo lang magkasama?" Tinanong niya samin.
"Tutor ko siya, diba? Anong gusto mo, idala ko 'yung buong squad ko para wala akong matutunan, ganun?" Sinabi ko sakanya.
"Dapat kase sinama niyo 'ko. 'Di naman ako manggugulo."
"I doubt that, kuya."
"Edi wow. Pumasok ka na nga!" Sinigawan niya ko.
"Papasok na nga, eh!" Tinulak ko si kuya para makapasok sa bahay, pero nag-bye muna ako kay Jihoon. Mabait ako, eh.
"Bye..." nag-wave siya saken.
Pumasok na 'ko pagkatapos nun, at sumunod na saken si kuya.
Isesermon na niya dapat ako, kaso tinakpan ko tenga ko at umakyat na sa kuarto ko.
BINABASA MO ANG
cafe | park jihoon
Fanfiction"i'll make you fall for me." park jihoon tagalog fanfiction. published: December 31, 2018- present ©️ AllUNeedRJams