kim jandi's pov
Kasama kong si Yoojung na lumabas ng classroom para hanapin si Jihoon. Magkaklase kasi kami.
Lumaki ang mga mata ko nung nakita ko si Jihoon. Noon ko lang narealize kase na ang gwapo niya pala talaga.
"Oh, hi, Jandi," nilapitan niya kami ni Yoojung.
"Hi," hinigpitan ko ang hawak sa bag strap ko, dahil medyo na-awkwardan ako.
"Huh, anong meron?" Tanong sakin ni Yoojung.
"Tutor ko siya," sinagot ko.
"ANO?!"
Agad na tinakpan ko yung bibig niya kasi ang lakas niyang sumigaw. As in.
"Oo, tutor ko siya. Anong meron dun?"
Nagsalita siya pero hindi ko naintindihan kasi tinatakpan parin ng kamay ko yung bibig niya.
"Uh, are we going na?" Tinanong sakin ni Jihoon.
"Oh, sure. Yoojung, we'll go na, okay?" Nagpaalam ako sakanya.
"San kayo pupunta?"
"Sa cafe near school."
"Ah, okay, alis na ko, bye!"
Bigla akong na-intimidate nung naiwan akong mag-isa with Jihoon.
Nagsimula na kaming maglakad palabas ng school patungo sa cafe.
"So... wala kang gagawin ngayon?" Tinanong ko siya.
"Besides tutoring you and studying, wala naman."
"Ah... so, gaano katagal yung tutoring mo sakin?"
"Until magets mo yung tinuturo ko."
"Baka mag all-nighter na tayo kung ganyan," binulong ko sa sarili ko.
"Huh?"
"Ah, wala."
Pagkatapos nun, tumahimik kaming dalawa until nakarating na kami sa cafe.
Pagkaupo namin, tinanong niya, "Okay ka lang ba dito? 'Di ka ba naiingayan?"
"Uhm, hindi naman? Ikaw?"
"Lagi naman akong pumunta dito, so... Do you wanna order muna or turuan na kita agad?"
"Order nalang muna tayo."
Tumawag siya ng waiter, tapos sinabi na namin yung orders namin.
Pagkaalis ng waiter, sinabi niya sakin, "By the way, 'di eto date, kaya kkb tayo, ha?"
"Ahhh, sure."
"So, ano bang di mo naiintindihan sa math?"
"Uhm, lahat..."
"Ay, okay. Gusto mong turuan na kita or hintayin na muna natin yung order natin?"
Magpaturo ka na para mas maaga kang makauwi.
"Turuan mo na muna ako..."
"Okay, so, let's start."
2 hours niya kong tinutor. Medyo 'di ko parin naiintindihan yung lesson, pero sinabi niyang sa susunod na araw nalang niya ituloy kasi gagabihin na kami. Medyo awkward pa kami nun, pero may natutunan naman ako at wala namang away or anything.
"San ulit papunta bahay mo?" Tinanong niya sakin.
"Ah, doon, bakit?" Tinuro ko yung street papunta sa bahay.
"Uwi na kita."
"Huh? Wag na."
"Lagot tayo sa kuya mo kung umuwi kang mag-isa."
Lagot lang, walang tayo.
"Ay, oo nga pala. Sige na nga."
Tahimik kami the whole time pauwi. Nagsalita nalang ako nung nasa bahay na kami.
"Uhm, eto na bahay ko."
"Okay, uh... bye," nag wave siya sakin.
Nag wave rin ako sabay pasok sa bahay.
Oh my God, that was so awkward, 'di ko kinaya.
BINABASA MO ANG
cafe | park jihoon
Fanfiction"i'll make you fall for me." park jihoon tagalog fanfiction. published: December 31, 2018- present ©️ AllUNeedRJams