They Will Meet Again

808 1 0
                                    

"Try to make yourself busy. Engage with different activities, join different clubs. In that way makakalimutan mo ang mga nangyari at ang nagpoprovoke sa iyong gawin ang mga bagay na iyon."

Nakayuko ako habang nakikinig sa counsellor. I've been doing this for almost one month now pero patuloy pa rin bumabagabag sa akin ang isang bagay na sumira sa akin. Narinig kong napabuntong hininga sya.

"Gab, stop thinking that it runs in your family's blood. Yun ang palagi mong naiisip kaya nagawa mo rin yun. Marami din naman sa family mo ang na overcome ang ganoong bagay."

"Pero bakit nararamdaman ko pa rin yung urges?"

"It's because you keep thinking that those things can make you satisfied. Here." Inabot nya sa akin ang isang maliit na kulay asul na envelope.

"Sumama ka dyan, two days and two nights. I'm sure it will help you. My daughter would be coming too i'll tell her to be with you all the time."

Napatitig ako sa kanya at sa envelope. Napabuntong hininga ulit ako. Madaming gumugulo sa isip ko at parang mababaliw na ako.

"It's time, may klase ka pa. Bumalik ka dito after the event."

Tumango at nagpaalam. Binuksan ko ang envelope habang binabasa pabalik sa classroom.

Invitation para sa isang youth conference. Napatigil ako. Para na akong nasusunog habang binabasa ko ang invitation. Hindi ako bagay sa mga ganito.

"Gabriel my labs." Napatigil ako ng biglang may yumakap sa akin. Si Shina ang anak ng counsellor ko.

"Excited na ako, buti na lang sasama ka din magbaback out na sana ako eh." Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakayakap sya sa beywang ko.

Makulit si Shina at iyakin. Spoiled brat at madaming kaibigan. Magkabaliktad kaming dalawa pero kahit ganun pa man gustong gusto nya akong maging kaibigan.

"Itetext kita ha kung saan ang gathering place. Aasahan kita Gabriel huh wag mo akong iindyanin."  Napatitig ako sa kanya. Para syang bata when in fact third year college na kami.

Maswerte sya dahil walang syang malaking problema na di katulad ko na kahit saan ata ako magpunta dala dala ko ang problemang yun.

"Welcome brothers and sisters, pasok kayo, follow lang po natin ang direction."

Isang sikat na academy ang venue ng conference.

"Gab, grabe. Ang yayaman ng mga kasama natin tsaka madaming gwapo madami na akong crush. Samahan mo akong magpapicture sa kanila ha."

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad bitbit ang bagahe ko samantalang si Shina di na alam kung saan ibabaling ang tingin. Mahilig sa gwapo kaya ayan di magkandatuto. Di nya ata napapansin na mga high school ang kasama namin.

Mga bata pa ang mga crush nya, seriously? Parang awkward naman nun, pero kung sabagay di ko rin sya masisi because I was once captivated by a highschooler...

I shake my head. Nandito ako para maging busy hindi para magreminisce.

Tuloy tuloy kami hanggang sa gym ng academy. Madami nang tao at binigyan na rin kami ng ID.

Mostly na kaedaran namin mga facilitator kami lang ata ang college student dito. Medyo nafrustrate tuloy si Shina nang mahalata nya na nabibilang kami sa matatanda na sumali. Ang tanging konsolasyon lang daw ay hindi kami matangkad kaya nagmumukha kaming high school.

Mayroong band na nagwelcome sa lahat ng participants. Kumakalabog ang dibdib namin sa ingay mula sa mga instruments. Makikita ang saya sa mukha ng lahat.

Gusto ko ring maramdaman ang mga nararamdaman ng mga ito pero pinigil ko ang sarili. Hindi ako karapat dapat na maging masaya.

Nagsimula na akong gawing photographer ni Shina. Masaya akong nakikita si Shina na abot langit ang ngiti pagkatapos na makapagpalitrato sa mga natitipuhan nya.

"Ay grabe, ba't ba tayo naunang ipinanganak? Ang daming gwapo sa high school department palibhasa galing sa mayayamang pamilya. Grabe to oh, tignan mo Gab, up and down ang braces pero ang gwapo pa rin." Napapailing na lang ako sa tuwing nagkukwento sya sa mga pinangagawa nya.

May tatlong cluster ang sumali sa conference, bawat cluster may iba't ibang school na member halos lahat private schools nasa 350 ang participants kaya medyo crowded ang gym.

"Sisters, doon po tayo sa harap ng stage para makapag interact tayo sa iba pang mga youth." Napatingin ako kay Shina na humigpit ang hawak sa braso ko. Napatulala sya sa lalakeng nagsabi nun sa amin.

Ngumiti ang lalake ng tumango ako habang si Shina hindi mapigilang kiligin. Mabuti na lang at umalis na ang lalake bago sya impit na tumili.

Gwapo nga ang lalake at matangkad halatang may kaya sa buhay kaya di ko masisisi si Shina. Kinaladkad ko sya papunta sa harap ng stage. Tuloy tuloy ang mga participants sa pagsayaw at pagkanta. Somehow medyo nawawala ang bigat na nararamdaman ko kaya napapakanta na rin ako.

Natapos rin bago maglunch ang opening program. Medyo napagod ako at nakukuha ko nang ngumiti.

"Grabe, ang saya Gab, heaven pag nadidikit yung siko ko sa mga pogi." Hanggang ngayon ba naman yun ang iniisip nya?

"Gab, paano yan gutom na ako wala tayong pera tsaka bawal lumabas."

Oo tama, wala nga kaming pera. Hindi kami mayaman at pumuslit lang ako dito kasi di pumayag ang school na excuse kami kapag sumali kami dito.

Mabuti na lang at may nakilala kaming mga first year college. Isang gay at dalawang weird na babae. Napalagayan namin ng loob habang nagkakantahan kanina. Katulad namin wala din silang pera kaya napagkatuwaan naming magbonding na lang. Dinner pa magsisimula ang libreng meal kaya kailangan naming maghintay gumabi.

"Aaaaahhh." Lahat kami napatingin kay Harlet ng sumigaw sya at umaktong nangingisay sa kilig. Pareho sila ni Shina kaya siguradong nakakita nanaman sya ng prospect.

"Asan bakla? Dali, ituro mo." Agad namang nagsilapitan sila Shina sa kanya at tumingin sa camera. Oo, may bitbit silang camera na naka max ang zoom para kahit nasa malayo kitang kita ang mga prospect nila.

Kalokohan ng mga to. Nagsisigaw na rin silang apat ng makita ang kinalolokohan ni Harlet.

"Hue Angelo Darrios. Hoy, may girlfriend na yan!"

Nanigas ako ng marinig ang sinabi ng isa sa mga facilitator. Nakita kasi nito sa camera na naka focus sa isang lalake ang camera nila. Ngumiti ito at umalis. Nagkatinginan silang apat at nagsisigaw ulit samantalang di ako makagalaw sa kinakatatayuan ko.

Hue Angelo Darrios. That name.

The Hearthrob and The Bitch (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon