They Will Meet Again

399 1 0
                                    

Naririnig ko pa rin silang apat. Tawa ng tawa na parang kinikiliti na ewan. Panay ang tingin nila sa mga pictures nila halos di na ata sila nakikinig sa nagsasalita sa harap.

Di parin ako makapaniwala, kahit kailan di papanig sa akin ang tadhana.

Andito ako para makalimutan sya pero ibang magbiro ang tadhana o mas mabuting sabihin na pinaparusahan ako ng tadhana.

Halos mag iisang taon na rin mula ng mangyari ang lahat. Nagsisimula na rin akong magbago at lumimot pero heto nanaman pilit pinapaalala ng tadhana ang mga kamalian ko.

Hue Angelo Darrios, ang lalakeng sinira ko ang pagkatao. Lahat ng taong makakarinig ng nangyari siguradong iisiping ako ang dahilan ng lahat. Alam ko mali ako at nagpadalos dalos pero wala na akong magagawa. Nagsisisi ako pero hanggang doon na lang yun dahil kahit anong gawin ko wala nang magbabago dahil nangyari na ang nangyari.

"Guys, we need a painter. Di ko kasi nakita yung isang contest eh." Napakamot ng ulo ang head ng program sa cluster namin.

Lahat nagbulungan. Nagpatawag ng meeting ang president ng cluster para sa mga participants na gustong sumali sa iba't ibang contest.

"Guys, please cooperate we don't want other clusters to win by default. Bukas pa naman yung contest we will provide everything. Please guys." Halos magmakaawa na sya sa harap namin. I'm sure sa dami namin may isang marunong magpinta although mga bata pa ang kasama namin sure naman na my mga talent sila.

"Ate, si Gab marunong magpaint, magaling sya."

What the---

Lahat napatingin kay Shina na nakaturo sa akin. Tinignan ko sya ng masama, masasakal ko talaga ang babaeng to. Bakit ganun ang mga kaibigan? Pinapahamak ka parati.

"Praise the Lord, sister hulog ka ng langit. Please help us, we have no choice." Halos kaladkadin nya ako papunta sa harap.

Shina, humanda ka sa akin.

"Go Gab, itaas ang bandila ng mga kababaihan." Umakto pa syang may binunot na itak mula sa tagiliran. Narinig ko namang nagsitawanan ang mga kasama namin. Nang mapatingin ako sa gitna nahuli kong nakatingin sya sa akin...

Nang masama. Agad akong nag iwas ng tingin. Wala na akong nagawa ng hilahin ako ng program head sa designated area sa mga sasali sa contest.

Hindi ko alam kong kaya ko bang magpinta ulit. Matagal na akong tumigil pero nahihiya akong tumanggi. Tinanggap nila ako rito ng walang pag aalinlangan nakakahiya kung tatanggi pa ako.

"Sister pasensya ka na ha, on the spot to. Andito na ang mga gamit magpasabi ka kung may kulang. Aalis muna ako sister goodluck."

Ilang minuto na akong nakatingin sa puting canvas pero wala akong maisip na ipinta. Nagsisimula na ang iba samantalang ako nakatulala pa.

Kaya ko ba?

Nanginginig ang mga kamay ko sa tuwing itataas ko ito hawak ang paintbrush.

"You don't have to hurry you still have 24 hours. Take your lunch."

Napatigil ako sa pagtaas ng kamay ko para simulan sana ang painting. Napalunok ako ng ilang beses bago lakas loob na tignan sya.

He looks at me seriously. I can't read his emotions. Napansin kong nagmature sya at lalong kapansin pansin. Lumaki na rin ang katawan nya at tinutubuan na rin sya ng maninipis na bigote.

"Done checking me out? Here, take your lunch I know you can't paint while you're hungry." Iniabot nya sa akin ang isang supot ng isang fast food at tumalikod upang umalis. Napatingin ako sa pagkain at ngumiti ng mapakla. He still remember.

"Aaaaaahhhh, anak ng tikpalong Gabriela Silang asan ang itak at nang mapugutan ka." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Shina at ang mga kasama nya sa harapan ko. Pero ano daw? Ano nanaman ba ang problema nya at kung anu ano nanaman ang sinisigaw?

"Kumain ka na ba Shina? Ano nanaman ang problema mo?"

"Walangya kang bruha ka, mang aagaw ka, ang haba ng hair mo anong gayuma ang gamit mo?" Lumapit sa sa akin at sinabunutan ako ng mahina. Ganito sya manggigil kaya ayaw kong palaging sumasama sa kanya dahil napaka sadista nya.

"Ano ba Shina tigilan mo yan"

Nataranta naman ang mga kasama nya. Nagkatinginan kaming dalawa at napatawa. Akala siguro totoong nag aaway kami.

"Ano kaba Harlet, ganito talaga kami ni Shina." Napahinga naman ng malalim si Harlet.

"Pero aaaaahhhh, ang kapal talaga ng make up mo. Bakit andito si Papa Hue? Bakit ka nya kinausap? Anong sabi? Tsaka bakit binigyan ka nya ng pagkain?"

Uh, di naman sya masyadong interesado sa lalakeng yun noh?

Nagsilapitan na rin ang tatlo samantalang si Shina sinimulang lantakan ang pagkaing ibinigay sa akin.

Napatingin sa amin ang ibang contestants. Talagang eskandalosa tong si Shina.

"Alam mo Gabriela ako na lang kaya ang gawin mong subject pero syempre dapat may kasama ako, si papa Hue. Sigurado champion na tayo nyan." Umakto namang nabubulunan si Harlet.

"Conceited much sister? Tatlo kaya tayo para love triangle tapos ako ang legal girlfriend tapos kabit ka."

"Huh, okay lang ako naman ang mas mahal, sabi nila pag nagmahal ka ng dalawa piliin mo yung ikalawa kasi di ka maghahanap kung mahal mo pa ang una." Hala, ayan na. Nasabi ko na bang reyna ng debate si Shina? Lahat ata ng sasabihin mo sa kanya may opinion sya.

Natahimik si Harlet at umaktong sinasabunutan si Shina.

"Aaahhh ba't ba ang witty mo? Kainis ka."

"What the--- Bakit mo kinain? It's not yours!"

Natigil sa pag nguya si Shina sa fried chicken samantalang ako naman ay nanigas sa kinauupuan.

The Hearthrob and The Bitch (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon