Pagkatapos ng pagkikita namin ni Ryle, agad ko nang kinuha ang bag ko at nagmamadaling umalis. What the hell was I thinking when I helped him? He could have hurt me! I know he's drunk and if I'm seen with him, baka pati ako madamay sa kalokohan niya.
Ayaw ko sa mga taong naninigarilyo at umiinom ng alak. Parang naghahanap kasi sila ng way para mamatay agad. I know they use these para makalimutan ang reality at para mabawasan ang stress pero that's life. Ganoon talaga ang buhay. Laging may problema. Laging may glitch. Hindi naman maiiwasan yun. If they neglect reality, paano pa sila mabubuhay diba? Sinabi ko na nga na smoking is suicide diba?
Because that's what happened to my father.
My father was a heavy smoker and drinker. I always see him having a binge every night. Hindi naman namin siya mabawal ni Mama because he always got mad every time we do so. But, despite this, my father was a very good man. Hindi siya nagkulang sa pag-aalaga sa aming magkapatid. He was.
Pagkabalik ko sa hallways, nakita kong dumating na ang day guard at nakabukas na ang ilaw sa office. Agad naman akong pumasok para mahingi ang susi sa kwarto namin.
"Oh, anong nangyari sa iyo? Bakit ang dumi ng uniform mo at may sugat ka pa sa braso?" tanong ng registrar.
"Ah... Eh... Tinulungan ko lang po kasi yung pusa na na-trap dun sa may sanga," sabi ko.
"May extra uniform ka ba? Magpalit ka muna kahit PE lang. Ako na lang gagawa ng excuse slip mo," sabi pa niya. Nginitian ko siya dahil napakabait niya at talagang kailangan ko ng excuse slip.
"Opo, meron po akong PE uniform sa locker. Salamat po," sabi ko sa kanya at kinuha na ang susi ng kwarto namin. Dumiretso muna ako sa locker hall para makuha ko ang damit ko. Sa room na lang ako magpapalit dahil sigurado namang wala pang taong darating.
Pagkabukas ko ng pintuan, nagulat ako nang may nakita na naman akong taong naka-upo sa isang armchair. Paano nakapasok ito?
"Si-sino ka?!" natatakot kong tanong.
"God, kailan ka ba tatahimik? Every time we meet, lagi kang sumisigaw!"
Si Ryle! Ulit? Paano siya nakapasok?
"How... What... Paano ka nakapasok dito?" tanong ko sa kanya. Tinuro niya ang malaking bintana sa may tabi ng pintuan. Doon siya pumasok? But, that's so high!
"Papasok ka ba ngayon?" tanong ko, trying to break the silence. Ang tahimik niya. Hindi nga lang ako sure kung natutulog na siya.
"I'm here, diba? Ano sa tingin mo?" sagot naman niya. Barado na naman ako.
"Bakit ang sungit mo?" tanong ko ulit, which I regretted asking kasi tiningnan niya ako nang matalim.
"Bakit puro ka tanong?" Okay! Di na ako magtatanong pa! Psh. Ni hindi man lang nag-thank you para sa ginawa ko kanina! Nasugatan pa naman ang elbow ko! Iniwan ko na lang ang bag ko sa upuan ko at pumunta sa girls' cr para makapagpalit. Buti na lang, Wednesday ngayon at PE namin. Pero kailangan ko pa rin nung excuse slip dahil tuwing PE time lang dapat naka-PE uniform.
Pagkapalit ko ng damit, agad na akong pumunta sa clinic para manghingi ng bandage. Nilinis ko na yung sugat ko at kailangan ko na lang takpan. Kaso, dahil nga sobrang aga dumating ng mga tao sa school na 'to, wala pa rin ang nurse at naka-lock pa ang clinic. Maghahanap na nga lang ako sa bag ko. Baka sakaling may maligaw na band-aid.
Pero dahil malas akong muli, wala akong nakitang bandage kaya panyo ko na lang ang ginamit kong benda. No choice e. Pagkatapos kong masolusyunan ang problema sa sugat ko, binuksan ko na ang Math book ko para mag-aral. May test kasi kami mamaya at ayaw kong bumagsak sa subject na iyon. Kaso, pagkabukas ko ng libro, may nahulog na papel.... at isang blue na band-aid na may yellow stars. Kinuha ko ang nahulog na papel.
I think I owe you a thank you. Thanks. Don't mention this to anyone or you're dead.
Agad kong napansin ang messy niyang sulat. Is it because he's drunk? I hid the note sa wallet ko at ginamit ko na rin ang band-aid na binigay niya.
Thanks, I silently told him. He's kind... in his own way nga lang.