“Ang cute niyo pala nung grade five!” Ciara said while looking at our fifth grade class picture. Dinala kasi ni Alex ang photo kaya here we are, crowding over that.
“Look at Arisse’ face sa wacky! Priceless!” sabi ni Zaidan tapos tinuro ang monkey face ko.
“Well, my definition of a wacky pose is a monkey face so there you go!” sabi ko tapos tumawa. There’s no point in getting annoyed. There will always come a time where you’ll need to face your old photos, no matter how terrifying they may be.
“Ang totoy at nene pa natin!” sabi pa ng isa naming kaklase. Kinuha ko yung picture at inisa-isa ko ang mga mukha. Natatawa naman ako sa mga itsura namin lalo na kung ikukumpara sa ngayon. Natigil naman ang tingin ko doon sa batang halatang nagpipigil ng tawa. I stared at the child, wondering who he is. Then na-realize ko na si Ryle pala ‘yun! Malayong-malayo sa Ryle na nakikita namin ngayon.
I wonder when that smile’s gonna come back. Or kung babalik pa ba ‘yun.
“Arisse! You’re staring at the photo! That’s not even gonna change,” sabi ni Alfonso, or Pons.
“Yeah, your monkey face will not change! Accept yourself,” pang-iinis ni Zaidan.
“Whatever, Z,” sabi ko tapos binalik na kay Alex ang class picture.
We were still chattering nang biglang pumasok si Ryle. Natahimik kaming lahat at napahawak ako sa sugat ko.
“Napano iyan?” bulong ni Ciara tapos tumingin siya sa sugat kong nakaband-aid. I mouthed ‘wala’ nang makita kong pumasok din si Ms. Vergara, principal ng school.
“Good morning, Miss Vergara,” bati naming lahat. Tumango at ngumiti siya sa amin pero si Ryle ang hinarap niya.
“This is the last time I’m going to escort you here. The next time is with your father,” sabi ni Miss. Tiningnan lang ni Ryle si Miss Vergara at patuloy na nginuya ang chewing gum niya. Napa-singhap naman si Miss Vergara at tinawag ang P.I.O. ng klase. Tumayo naman ako at sinundan ko siya palabas. Dumiretso kami sa opisina niya.
“Miss Arisse Espino, I would like to give you a very important task,” panimula ni Miss Vergara.
“Tungkol po ba ito kay Ryle?” tanong ko. I have a very strong feeling na tungkol nga ito sa kanya. Tinanggal ni Miss Vergara ang salamin niya and she touched her temple. Halata na sa mukha niya ang ilang linya.
“Yes,” she said, breathing the word out. “I want you to keep an eye on him. Since you’re the P.I.O., I assume that you’re friendly and ikaw ang may pinaka-konting ginagawa. I want you to make Sir Jimenez participate in every school activity. This will probably be your last year here so make it count for you and him,” dagdag pa niya.
I gulped. This is too much. Ni hndi ko nga malapitan yung tao tapos ganito pa? Paano ko niyan gagawin ‘to?
“Miss, pwede ko po bang sabihin sa mga kaibigan ko ang tungkol dito? Para naman po matulungan nila ako,” sabi ko.
“Yes, you may. Just do everything you can. Make sure he attends every class,” sabi ni Miss. Tumango naman siya at dinismiss na ako. Lumabas na ako at pumunta sa room. Nakasalubong ko naman si Ryle na may hinahanap sa mga bulsa niya.
“Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya. I should get him back to the classroom.
“I’m going out. Nakakasuka na yung mga tao sa kwarto. Damn, where’s my pack?” tanong niya habang kinakapa ang mga bulsa niya.
“You should get back,” sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako, as if may tumubong kung ano sa mukha ko.
“For what?” tanong niya then his face suddenly changed, as if the truth dawned on him. “Great, she talked you, huh? Don’t listen to her,” sabi niya sa akin tapos naglakad na. Sinundan ko naman siya. There’s no way I’m letting him out of my sight.
“What are you doing?” tanong niya sa akin nang mapansin niyang sinusundan ko siya.
“Following you. If you won’t go to class, then I’ll skip, too. What makes you think that I can’t do that also?” paghahamon ko sa kanya.
“You’re crazy,” sabi niya sa akin.