Akala Ko

870 28 11
                                    

Naramdaman nyo na ba yung feeling na, akala mo, kayo na talaga? Yung akala mo, wala nang makakapaghiwalay sa inyong dalawa? Yung akala mo, hanggang dulo na pero hindi pa pala.

Ako kasi, akala ko, okay lang.

Okay lang na palagpasin ang lahat.

Okay lang na manahimik at itago 'tong lahat ng aking nararamdaman.

Akala ko, masaya. 'Yun pala, hindi na.

Akala ko, kuntento pa sya, 'yun pala, nakukulangan na sya.

Akala ko, okay lang kami. 'Yun pala hindi na.

Akala ko, tama pa. 'Yun pala, mali na.

Bakit kasi ang complicated ng love?

Akala ko tuloy, totoo pa lahat. 'Yun pala, peke na lang.

Akala ko, nabuo na ulit 'yung dating nasira na. 'Yun pala, lalo pang nawasak.

Akala ko, maibabalik pa 'yung pagmamahal na nawala na. 'Yun pala, malabo na.

Masakit.

Akala ko kasi, tapos na. Tapos na 'yung sakit na pwede kong maramdaman. 'Yun pala, bago palang nagsisimula.

Akala ko nga, wala na. Wala na 'kong mailuluha pa.

Pero no'ng iniwan mo 'ko at nagpaalam ka, higit pa pala sa luhang mailuluha ko ang naiiyak ko noong umalis ka.

Akala ko kaya ko. Hindi naman pala.

Malapit lang naman tayo, pero bakit parang ang layo-layo mo?

Mali kasi talaga.

Ang akala ko kasi, ganito lang talaga ang takbo ng relasyon nating dalawa.

Authistic, hindi gaya ng iba.

Akala ko sweet, akala ko unique.

'Yun pala, ang pag-ibig na inakala kong nandyan pa, wala na pala.

Akala ko kasi talaga, babalik pa 'yung pagmamahal mo na noo'y nabawasan na.

Akala ko kasi, sapat na 'yung aking mga ginagawa.

Akala ko, sapat na, hindi pa din pala.

Hayan tuloy, ang sakit, dahil akala ko, may aasahan pa. 'Yun pala, wala na.

Akala ko nga talaga, naiiba tayo eh.

Kasi, sweet tayo pag magkasama.

Pero unti-unti kong napansin.

Sweet lang tayo pag tayo'y magkasama, pero pag hindi na, ang laki na ng espasyo nating dalawa.

Akala ko nga, nung nagpaalam ka, hindi ka na babalik.

Pero eto ka, sa akin pa din sumisiksik.

Kaya lang, heto na naman ako.

Akala ko, okay na tayo.

'Yun pala, kaibigan na lang ang sa akin ay tingin mo.

Ano ba 'yan. Akala ko kasi may aasahan ako.

Sabi ko na nga ba eh. Wala ka naman kasi talagang sinabi na umasa ako.

Akala ko nga naiintindihan ko ang mga rason at paliwanag mo.

Pero tuwing napapaisip ako. Wala, mali talaga dahil ayaw nitong mag-sink in sa utak ko.

Hoy, alam mo ba? Hinihintay ko pa din ang texts at tawag mo.

Umaasa pa din ako.

Siguro nga, tanga ako.

Pero ano ba'ng magagawa ko?

Nagmamahal lang naman ako.

Akala ko nga, tayo na hanggang huli.

Pero heto ako ngayon, naghihintay pa rin sa muli mong pagbabalik.

Alam ko, akala ko mahal mo pa din talaga ako.

Tuwing magkasama kasi tayo, 'yun ang pinapakita mo.

Pero hindi eh. Pag hindi na talaga tayo magkasama, wala na din.

Para ba'ng dinala mo ang sarili mo at wala kang iniwan sa'kin.

Ano ba 'yan. Parang paulit-ulit na lang yung sinasabi ko.

Wala namang sense.

Hayyy...

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon