Akala Ko 3

303 17 7
                                    

Heto na naman ako,

Sa walang katapusang tula tungkol sa "AKALA KO."

Heto na naman ako,

Sa walang katapusang pag-aakala ko.

Akala ko magiging okay ako kung papakawalan na kita.

Akala ko sasaya na ako pag nakita kang masaya.

Akala ko kaya kong tapusin 'to.

Akala ko kaya kong pigilan 'to.

Nagpakatanga ako sa'yo.

Hinabol-habol ka na parang aso.

Kahit na lagi mong iniiwan ay heto pa rin ako,

Pinipilit ang sarili sa iyo.

Ilang beses ko mang pigilan ang sarili ko,

Na 'wag nang umasa sa pagbalik mo.

Ilang beses mang tumulo ang luha dahil sa'yo,

Di maisip ang dahilan kung bakit ikaw pa din ang nilalaman ng puso ko.

Sabi ko, hahayaan na lang kita.

Pero bakit gano'n? Hindi ko kaya.

Makita ka lang na may kasamabg iba,

Puso'y sobrang nasasaktan na.

Ano pa bang mga pagkukulang ko?

Sabihin mo para ito'y maibigay ko.

Hindi ko kasi talaga kaya ang mawala ka sa buhay ko.

Hindi ko kayang ako'y iwan mo.

Pero naisip ko, sobra na.

Dahil sa sarili ko, wala akong naitira na.

Ano nga ba ang dapat kong gawin?

Ang pakawalan ka at hayaang ang iba ang umangkin?

Nasasaktan ako sa t'wing kasama mo s'ya.

Sino ba ang iyong nobya, ako o s'ya?

Ang layo kasi ng sinasabi mo sa ginagawa mo,

Pagdating sa kanya, tila hirap na hirap kang lumayo.

Tama na daw pagkakamartir ko, sabi ng kaibigan ko.

Mag-move on na daw ako.

Pero paano ko 'yon magagawa?

Nang umalis ka, pati puso ko'y iyong sinama.

Alam kong nagiging madrama na ako.

At ang ilan sa inyo'y naiinis na sa pagbabasa nito.

Pero gano'n talaga pagkat ako'y nagnamahal lang,

Sa isang taong hindi ko sigurado kung ako'y mahal pa ba.

"Ayoko na." 'Yan ang sabi ko sa'yo.

Ako kasi'y tila ginagago mo.

Pinapaasa mo ako sa mga salita mo.

Gayong lahat nang sabihin mo'y hindi ka naman pala sigurado.

Masakit man, pero sa tingin ko'y ito ang tama.

Ang pakawalan ka na at nang ika'y maging malaya.

Sana sa paglayo ko,

Maisip mo na kulang ka 'pag wala ako..

Titigil na din ako sa aking pag-aakala,

Na tayong dalawa'y magkakabalikan pa.

Oras na talaga siguro para kalimutan ka,

At ang pag-ibig ko para sayo'y tatapusin ko na...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon