Akala Ko 2

334 12 1
                                    

Paulit-ulit na lang tayo.

Away dito, away doon.

Pero ngayo'y parang di na talaga magkakasundo.

Iiwan mo na yata talaga ako.

Puso ko'y patuloy na nagsusumamo.

Na sana'y pag-ibig mo'y muling ibalik sa puso.

Na sana, mahalin mo ulit ako.

Gaya noong unang naging tayo.

Akala ko, akala ko maibabalik pa.

Akala ko, kayang ipilit pa.

Akala ko, may paraan pa.

Akala ko. Akala ko lang pala.

Paalam na nga ba talaga sa ating dalawa?

Paalam na nga ba sa limang taon na pagsasama?

Paalam na din ba sa ating masasayang alaala?

Paalam na din ba sa pag-iibigan nating dal'wa?

Akala ko kaya kong ipakitang malakas ako.

Pero pag nandyan ka na, bumibigay na ako.

Nalilito na ako.

Ikaw ba'y isusuko na o ipaglalaban ko?

Nahihirapan na ako.

Ayaw kong pakawalan ang taong mahal ko.

Sa pag-aakalang maibabalik pa ang pag-ibig na nauubos na.

Ang pag-ibig na ngayo'y wala na.

Akala ko, meron pa kahit kaunti.

Akala ko, maibabalik pa relasyong aking minimithi.

Akala ko, may pag-asa pa.

Akala ko, akala ko lang pala.

Umiiyak na naman ako.

Nagalit ka kasi nang kausapin mo ako sa telepono.

Pinapili ako kung ititigil na o itutuloy pa ba 'to?

Isip at puso ko'y sobrang nagugulo.

Akala ko talaga, mahal mo pa ako.

Pero ikaw na mismo ang nagsabi,

Wala ka nang nararamdaman sa 'sang tulad ko.

Paano ba 'yan?

Eh di magpapaalam na ako?

Pero bakit ayaw mo pa akong pakawalan?

Hindi mo ba alam na ako'y sobra nang nasasaktan?

Sobra nang nahihirapan?

Sobra na ding naguguluhan.

Itigil na kaya natin 'to?

Dahil sa bandang huli,

Tayo lang ding dalawa ang masasaktan.

Tayo lang ding dalawa ang masisira ng tuluyan.

Tama na... Tama na nga...

Ako'y unti-unti na ding nagsasawa.

Sa isang simpleng pag-aakala,

Na ang matagal nating iniingatang pag-ibig ay maibabalik pa...

</3

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon