prologue

147 35 43
                                    

─ ethereal academy: school of beauty ─
"Where girls with unbelievable beauty goes. "

I was busy reading a magazine when suddenly, someone or something called my attention. Di nawawala ang ingay dito sa palasyo. Yung tipong, tatahimik lang talaga siya pag wala ng tao dito o kaya ang mga sundalo o guard nalang yung natitira.

Sometimes, you'll ask yourself, nasa palasyo ka nga ba talaga? Prinsesa pala talaga ako?

Nang mabuksan ko ang isa pang pahina ng magazine, muli ko nanaman nasulyapan ang kaisa-isa kong kinaayawan. I was staring at it and then, a noise suddenly came from the outside.

"VANNAAA! VANNAA ANAK!! " Unang sigaw pa lang kilala ko na kaagad kung sino. Here we go again.

"Sigurado akong matutuwa ka sa sasabihin ko. " Sabi niya sabay sa pagbukas. No, don't say na tinuloy nya na nga talaga. Oh no!

"Inenro-" Tinakpan ko ang mga tenga ko at mukhang napansin yun ni mama. "Ano bang problema Van? Bat parang hindi ka naeexcite sa sasabihin ko. " Nahiya ako kaya ngumiti nalang ako at nagpeace sign sakanya.


"Sige na ma sabihin mo na basta please! Wag yung news na inaakala ko. " Nginitian nya ko. Yung mapupula niyang labi na mapaghahalataan na isa nga talaga siyang Charlotte. Kaya din siguro nainlove si papa kay mama eh.

"INENROLL NA KITA SA ETHEREAL ACADEMY!! "

Biglang bumagal ang ikot ng mundo. Why? There's a lot of school around our region pero bakit dito pa? Pwede namang sa Royal Academy. Doon, may mga lalaki pa at hindi puro babae.

At isa pa, hindi naman ako tulad ng ibang babae na nasa loob ng Ethereal Academy na may kinky looks that every guy likes. Mukha akong ningudngud sa lupa na punong puno ng putik.

"Next week na ang pasok mo pero dapat magimpake ka na bukas. " Dagdag niya. Mukhang mas excited pa siya kesa saakin. Hayst! Mama talaga. Kung hindi kang siya ang reyna dito, sinuway ko na siya. Joke!

"Sa oras na nakapasok ka sa Ethereal Academy, wag na wag mong ipapahiya ang apilyedong Charlotte ok? " Napangiwi ako. Kung ayaw niyang mapahiya ang pamilya namin, bat niya pa ako pinasok dito?

"Ayaw mo naman pala mapahiya ang pamilya natin, bakit mo pa ako pinasok dito? " Nginitian niya uli ako at lumapit lalo saakin. Hinawi niya ng buhok kong nakaharang sa mukha ko. Ang swerte ko at may nanay akong katulad ni mama.

"Kasi naniniwala ako sayo tulad na paniniwala ng papa mo nung araw ni ipapanganak ka. " Sabi niya at niyakap ako. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. I felt confident lalo na't sa sinabi ni mama.

Pagkalabas na pagkalabas ni mama, lumabas na rin ako ng kwarto. Ang bigat ng suot kong bistida. Hindi siya literal na gown or something, pang bahay lang naman siya pero nagpapabigat dito ang mga pearls.

Hinanap ko si ate Scarlette, ang nakakatanda kong kapatid para sabihin yung bad news. Since matagal na rin siya sa Ethereal, tatanungin ko nalang siya kung anong meron doon sa loob at labas ng Ethereal.

"ATEEE! HOY! SCARLETTE! " Todo sigaw ko pero parang walang nakakarinig saakin. Tila lahat ng tao dito may ginagawa. Babalik na sana ulit ako pero bigla kong nakasalubong si ate. Yes! Finally!

"Ayun! Ang tagal na kitang hinahanap! " Tinarayan niya nalang ako. Bastos talaga 'to! Prinsesa pala 'to?

"Excuse me? Im busy at bakit mo ko hinahanap? " Pagtataray niya saakin. Ugh! Bwisit talaga 'to! Minsan na nga lang kami nakakapagsmall talk eh. Madalas kasi wala siya dito sa palasyo.

"Diba matagal ka na sa Ethereal? "

"Oo, bakit? Balita ko inenroll ka na din daw ni mama doon. Hayst! May halimaw na tuloy sa Ethereal HAHAHAHA. " Rinig ang halakhak niya sa buong palasyo. Argh! Nanggigil na ko.

"Baliw! Bumalik ka na nga dun. Wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan. " Sagot ko sakanya at tinaasan niya ako ng kilay. Routine na talaga namin 'to. Swertehan nalang talaga pag wala siya dito.

"Hoy! Tama na ang sigawan niyo dyan at magsitulog na kayo! Gabi na nagaaway parin tsk nako mga bata! " Rinig kong sigaw ni Manang Luisa sa baba, yung head maid. Siya yung tinuring namin ditong lola.

"Sorry po manang. " At umalis na kami ni Ate at pumunta sa sari-sariling kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumagsak agad ako sa higaan ko at tumingin sa ceiling. Hmm, ano kayang maeexperience ko sa loob ng Ethereal. Magkakakaibigan kaya ako?

Maya maya'y di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

╼『❃』╾

AUTHOR'S NOTE:
If nagtataka kayo kung bakit parang hindi prinsesa umakto dito si Yvanna, I must clear everything na may sumpa siya. I don't wanna spoil everything though pero yun nga HAHAHA.

Ethereal Academy: School Of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon