─【】"Beauty isn't about having a beautiful face, it's about having a beautiful personality. "
╼『❃』╾
I started packing my bag the day after mom said that awful news. Di ko kayang lumayo dito sa palasyo lalo na't close na close ko si mama at siya na ang naging happy pill ko all my life. Minsan, kahit busy siya, gumagawa siya ng paraan para makabawi saamin ni Ate Scarlette.
Siguro kung meron din akong papa, sobrang saya ko na.
Oo, isa akong prinsesa na walang tatay. 12 years ago, I met him. The guy that captured mom's heart. Ang swerte din ni papa kasi nagkaroon siya na katulad ni mama. Pero, tulad nga ng ibang fairytales, hindi lahat ay nagkakaroon ng happy ending.
「22 years ago」3 R D P E R SO N
Tahimik na nakaupo at naghihintay si Amber. Tumingala siya at nakita ang napakadaming bituin. Ang kanyang mapupulang mga labi ay gumihit ng isang kurba dahil sa naalala niyang pangyayari.
"Paano kung totoo nga ang sabi nilang may gusto saakin si Ian? Paano kung ako talaga yung gusto niya simula pa nung una? " Sambit nito habang nakatingin parin sa langit.
Maya maya'y nakarinig siya ng hiyawan na galing sa malayo. Nilingon niya ito at biglang gumuho ang mundo niya. Tila gusto niya itong lapitan ngunit hindi niya kaya sapagkat nilalabanan siya ng konsensya niya.
"Kayo pala talaga ah! "
"Nako Ian! 'Di mo sinabi saakin na si Athena pala talaga ang gusto mo. "
"Ang swerte mo at nakakuha ka ng isang Charlotte, Ian! "
Hiyawan ng mga tao. Hindi kinaya ni Amber ang mga narinig niya kaya naman ay tumakbo siya sa grupo ng tao na tuloy parin ang sigawan.
"IAN! " Sambit nito.
"Amber? Anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Ian habang hawak parin ang bewang ni Athena. Napasmirk nalang si Amber habang tuloy parin ang agos ng luha niya.
"Diba dapat ikaw ang tanungin ko niyan Ian? Akala ko ba ako lang? Akala ko ba saakin ka lang? ANO SAGOT-" Sigaw neto at ikinagulat din neto ni Athena. Halos babaha na ng luha dito.
"Ikaw lang ang may akala non. At wala akong sinabi na sayo lang ako. Amber, alam mo naman kung saan lang tayo aabot. " Sarcastic na tumawa si Amber habang tuloy parin siyang pinagtitinginan ng mga tao sa paligid.
"Friends right? Tama ako ng hula 'no? HAHAHAHA!! " Humalakhak sa tawa ang babae. "
Sige hayaan mo na! Sigurado naman akong pagsisisihan mo ang ginawa mong desisyon Ian. Bahala ka. Ikaw din, baka sa huli, isipin mo na sana ako nalang ang nagustuhan mo at hindi yang MALANDING yan! " Tumalikod siya at nagflip ng hair habang tuluyan na umalis na ito sa lugar.
Hindi parin natigil ang pagiyak neto ngunit dahil sa isang plano, biglang umikot sa tama ang mundo nito.
「」─Hayst! Wag ko na nga alalahanin ang madilim na nakaraan nila mama at papa. Baka mainis lang ako lalo dun sa Amber na yun. Buti sana kung kagandahan siya eh. Pinakita na kasi saakin ni mama ang picture nya. Mukhang siyang tubol! Kaya siguro inggit na inggit siya kay mama.
BINABASA MO ANG
Ethereal Academy: School Of Beauty
Teen Fiction" Welcome to Ethereal Academy! Where girls with unbelievable beauty goes. " ╼『❃』╾ Yvanna Venice Charlotte. A princess that has it all. A family of fame, a heart of gold and a charming personality. Although she's not contented with all of that. Dahil...