IV

73 11 5
                                    

─【】" Beauty is when you can appreciate yourself. "

╼『❃』

Ang bilis kong nakatulog kagabi sa higaan ng kwartong ito. Tuloy tuloy yung tulog ko and no one tried to interupt my sleep. Kahit si Erin hindi rin ako ginising para maghapunan. GRABE! Ang haba ng tulog ko.

Kinurap kurap ko muna ang mata ko at nakita ang napakagandang sunrise. Naamoy ko na rin ang niluluto ni Erin. Hmmm, nagugutom na ko. Wala din kasi akong kain kagabi.

"Goodmorning Vanna. Rise and shine! " Bati saakin ng napakagandang babae na nasa may kusina. Naramdaman niya ata yung pagbangon ko kaya binati niya ko.

"Nakahanda na ang almusal. Bumangon ka na baka malate pa tayo sa first class. " Bangit niya. Ay oo nga pala! Ngayon ang unang araw ko bilang isang ganap na estudyante ng Ethereal. Kinakabahan parin ako sa mga mangyayari.

Naka bihis na si Erin sa mala gown na uniform. Maiksi sa harapan at ang laylayan sa likod ay mahaba. May pattern din siya at may pagka-greyish siya. Nakaipit na rin sa isang puyod si Erin na may tirang buhok sa gilid ng mukha niya. Ang presko niyang tignan samantalang ako, unang titig palang, mukhang demonyo na.

Bumangon na ako at dumeretso sa banyo. May bath tub at shower gaya ng mga bathroom sa palasyo. Kinuha ko ang toothbrush at pumunta sa salamin. As usual, nagtoothbrush ako at after non ay naligo na rin ako.

I want to meet new friends today. Gusto kong maging friendly at ipakita yung Charlotte side ko at hindi yung curse side. Sana naman ay hindi lumabas ang ugali kong ganon.

"Sorry I only cooked pancakes and brownies for this morning. May hot choco na rin diyan sa gilid baka kailangan mo ng pampainit sa tiyan. " Nginitian ko siya an 'it's ok' face. Mahilig din naman ako sa mga ganyan though kaya walang problema.

Kumain na rin kami as quickly as possible para makaalis at makapunta na kami sa first class namin. Spell Class ang unang class and si Miss Whitney ang incharge doon so better eat quickly.

After almost 20 minutes, we finished eating at agad gad niligpit ang pinagkainan. Hinablot namin ang aming mga bag na hindi naman gaano kabigat dahil wala pa itong laman.

Paglabas namin ng kwarto, nakita ko nanaman ang mga nagsisigandahang prinsesa. Nababagay sakanila ang kanilang mga gown na pare parehas ng kulay. Ang elegant nila tignan hindi tulad ko.


"Erin, may iba ibang klase ang mga prinsesa dito right? Hindi naman siguro lahat tayo ay nasa iisang klase diba? "

Muntik ng matawa saakin si Erin pero mukhang pinigilan niya ito. Bakit? Masama ba magtanong?

"Ofcourse! Hindi kasiya ang lahat ng prinsesa dito sa iisang class. Each has different levels ok? " Pageexplain niya saakin. Sakto at nakasalubong din namin si Aemie. Ang stunning niya at kitang kita ang mga kumikinang na hikaw.

"Goodmorning to the both of you. Pwede bang sumabay? " Bati niya. Tumango naman kaming dalawa ni Erin at sumabay na siya sa paglalakad.

"So, how's the dormitory Yvanna? Is it beautiful? " Tanong niya

"It was so beautiful and quite big though pero ok lang. Para siyang isang malaking palasyo to be honest. " Ngumiti saakin si Aemie. Ngiting mala anghel. Ugh! Kung lalaki lang ako, siguro nagustuhan ko na lahat ng babae dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ethereal Academy: School Of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon