II

68 28 10
                                    

─【】"Everything has beauty but not everyone sees it. "

╼『❃』

Ngayon na ang araw ng aking pagalis dito sa palasyo. Ayoko pang mahiwalay dito huhu. I'll miss every details of this castle. Sobrang laking halaga saakin ng palasyong ito.

Naging malaking tulong na saakin ang mga taon dito lalo na si mama Athena at si manang Luisa. First time kong malalayo sakanila. Si ate Scarlette naman, sasama saakin at babalik din sa Ethereal. Baka pati dun umabot away namin.

Nakahanda na ang aking mga maleta at pati narin ang kalesa sa labas ng palasyo. Sumilip ako sa bintana ng aking kwarto at nakitang nakatayo na sila mama, manang, at ate sa labas. Mukhang ako nalang ang hinihintay. May mga nakapalibot na din na guwardya.

Bumaba naman agad ako bitbit ang laylayan ng damit ko.

Mabigat din kasi dahil sa nakapalobo nitong tela sa loob kaya nahihirapan ako maglakad. Alam kong masyadong bongga yung damit ko pero dapat masunod ang reyna. Sino pa ba? Edi si mama!

Nakatali din ang buhok ko sa isang braid na bumagay sa aking gown. Ready na ko.

"Ayan na ang ating mumunting prinsesa! " Hiyaw ni mama. "Goodmorning anak. Goodluck sa Ethereal! Maniwala ka sa sarili mo gaya ng paniniwala ko sayo at ng papa mo. " Nginitian nya ako at niyakap. I'll miss this long hugs.

"Magingat kayo dun ng ate mo, Yvanna ha? Mamimiss ka naman dito. " Sabi naman ni manang na malaki ang ngiti na nasa gilid ng kalesa.

"Kayo din po, mamimiss ko kayo. "

Niyakap ko na halos lahat ng mga tao na parte na ng palasyo. Ugh! Mamimiss ko silang lahat. Anyways, tama na ang drama. Nagagalit na saakin si ate na kanina pa ako tinatawag. Nasa loob na kasi siya ng kalesa.

"Vanna! Dalian mo na dyan! " Sigaw niya saakin.

"Sorry na. Di ba pwedeng magpaalam man lang? " Ngisi ko. Hmp magbaba-bye lang naman ako eh. May masama ba dun?

Sumakay naman na agad ako sa kalesa bago pa man tuluyan umapoy sa galit si ate. Bahala siya dyan! Magalit siya kung gusto niya. Pakialam ko kung prinsesa siya at nakakatanda siya? Ok tama na ulit, gumagana nanaman saakin yung sumpa.

Mabilis naman ang takbo ng kalesa. Sakto lang at maya maya'y siguro makakarating na kami. Tahimik kaming dalawa sa buong biyahe.

"Maam, we're close. " Sabi ng kutsero kaya naman ay humanda na kami bumaba. Naeexcite ako na kinakabahan. Ok act like a princess now Yvanna, wala ka na sa palasyo.

Binaba na ng mga guardya ang mga gamit namin at nasa harapan na kami ng isang malaking palasyo din. Sa unang tingin, para siyang hindi paaralan. Maya maya'y may lumabas na isang babae na hindi naman masyadong katandaan.

"Welcome to Ethereal Academy! Where girls with unbelievable beauty goes. "

Bati ng babae saamin. Nagcurtsy naman kami sa harapan niya to show respect.

"Thank you maam- " Sagot ko pero pinutol niya kaagad ang kung ano man ang sasabihin ko. "Im Miss Whitney Williams from the east. Im the mistress of this school. You can call me anything you want as long as it has respect. " Nginitian niya ko ng may halong pagkataray. Ano bang ginawa ko?

"You must be the Charlotte sisters. Come inside and let's talk there shall we? " I bowed slightly as a response of a yes. Gumaya din naman si ate Scarlette.

Pumasok na kami at sobrang laki pala neto. Ang dami ding palapag. Sa ngayon, wala pa akong nakikitang mga estudyante. Siguro nasa klase sila.

"Have a sit. " Sambit ni Miss Whitney. Umupo naman kaagad kami. Ang lambot ng upuan infairness.

"Bukas magsisimula ang classes ninyo. Mamaya ko ipapakita sainyo ang dormitory na papasukan ninyo. Mukhang alam naman na ni Scarlette yung sakanya since matagal na siya dito. " Dagdag niya.

"At ikaw naman Yvanna, may magga-guide saiyo para makita mo ang iba ibang parte ng paaralang eto. " Nginitian niya ako. Yes! Sana naman ay isa na ito sa magiging kaibigan ko.

"Yvanna, meet Aemie. Siya ang magiging tour guide mo. Isa rin naman siyang estudyante dito. Since senior na siya at matagal na siya dito, alam niya na ang lahat tungkol dito sa Ethereal. " Sabi uli ni Miss Whitney. Omg! Ang ganda niya!

"Hi Yvanna. Im Aemie. Nice too meet you. " Nagcurtsy siya sa harapan ko at nagoffer ng kamay niya.

"Hi Aemie. Vanna nalang for short. Ayoko ng masyadong mahaba e. " Nagcurtsy din naman ako pabalik at nagshake hands kami. Ngumiti siya saakin. Ang cute ng mga ngiti niya at grabe yung kagandahan niya! Kumikinang.

"I'll leave you both here. Have some talks if you want and you Scarlette, come with me. " Sabi ni Miss Whitney at umalis na kasama si ate Scarlette. Ano kayang paguusapan nung dalawang yun?

"So Vanna, where do you like to start? " Tanong ni Aemie saakin. Sa totoo lang ayoko pa muna gumala. Maya maya nalang para medyo marefresh naman ako. Nakakatamad din kasi.

"Umm Aemie, can I take a rest for a little bit. Maya maya nalang. "

"Sige dun ka muna sa garden para marefresh ka man lang. Mahaba siguro binyahe nyo. " Sagot naman niya. Ang hindi nya alam saglit lang talaga ang biyahe namin HAHAHA.

Hinatid niya naman agad ako sa garden na halos puno din ng tao. Hindi naman sa sobrang puno pero makakakita ka ng mga babaeng ubod ng ganda. Aww, feeling ko tuloy di ako belong.

"Iwan na muna kita dyan Vanna. Babalikan kita ng mga 10:00 AM. " Nginitian niya ako and I smiled back at her. She waved goodbye and so am I. Feeling ko magkakasundo kami nito. Sana.

Andaming prinsesa dito na nakaupo din. May kausap din na kapwa prinsesa. Yung iba naman magisa lang at may hawak na libro. Halos mga nerd pala ang nandito. Napakacalm dito at ang sarap ng hangin. Punong puno din kasi ng bulaklak at my silong siya na may mga vines. Ang ganda!

Sana ako din maganda.

╼『❃』╾

Ethereal Academy: School Of BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon