Muntik

16 0 0
                                    

    Ngayon na lang ulit ako lumabas ng bahay para maglibang. Umaasang hindi na kita maalala. Na baka sapat na ang mga tula, kwento at saloobin nasulat ko upang makalimutan ka. Nagpunta ako sa lugar kung saan maraming tao at ikaw ang nakita ko.
Nagpunta ako sa lugar na walang tao at ikaw parin ang naiisip ko.

    Sinubukan kong sumama sa barkada at baka ito na ang pagkakataon. Lumipas ang ilang oras nang di ako umiiyak, nang hindi ako nagmumukmok... hanggang sa mabilis na lumipas ang mga sandali at sa pag-aakala kong uuwi ako ng mapayapa ngunit di masaya, di ko mapagkakaila na naalala ulit kita.

      Naalala ko kung pano ka mag-alala kapag gabi na ako umuuwi at iniisip paano kung nalaman mong mag-isa nanaman akong umuuwi sa madilim na daan...
   Ihahatid mo kaya ako? Mag-aalala ka kaya?
                Higit sa lahat, nang balikan ko ang ginawa ko buong araw naalala ko na
      muntik na kitang makalimutan.

Sinusubukan ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon