tinulak kita. Umiwas ako.
Iniwasan ko ang yakap mo.
Dahil ayaw kong niyayakap ako.Di ko gusto ang makaranas ng panghihina dahil lang sa dalawang bisig na nakabalot sakin.
Alam mo yun, alam na alamPero ginawa mo pa din. Niyakap mo ko ng para bang... di kita tinutulak.
niyakap mo ko dahil alam mo na kailangan ko maging mahina para makahinga ako.
Pero...Ayaw ko parin sa yakap. Ayaw.Mas ayaw kong tanggapin ang yakap mo, dahil alam kong sa unang beses na hayaan kitang gawin ito, mababaliw ako.
Tulad nitong ginagawa ko. Yakap lang binigyan ko na ng malaking kahulugan, mabigat na kahulugan.
Alam mo ba yung masaklap? Kahit ayaw ko na niyayakap ako. nagpapasalamat ako na niyakap mo padin ako. Dahil alam mong mas mababaliw ako kung hindi mo 'to ginawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/171342599-288-k368074.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinusubukan ko.
PoetryHindi ko alam na aabot ako sa ganito. Sumusulat ng tula tungkol sa isang lalaking tinitigan, kinaibigan, at minahal ko. Nagsusulat ng tula na magsisilbing tanda kung paano kita kinakalimutan.