Franchesca's POV
"Dominic please... Wag mo kong iwan..." sabi ko kay Dominic na umiiyak.
"Ano ba Franchesca! Ilang ulit ko bang ipaiintindi sayo na hindi na kita mahal!" sabi niya.
"No no no! Wag mo yang sabihin.... *sniff* alam kong mahal mo ako... Dominic please... *huk*" sabi ko sa kanya at lumuhod sa harapan nya pero tinulak lang niya ako dahilan para matumba ako sa sahig.
"ANO BA?! ANG HIRAP MONG UMITINDI! HINDI NA TALAGA KITA MAHAL! DARE LANG LAHAT NG YUN! AT SINO NAMAN ANG MAGKAKAGUSTO SA ISANG KATULAD MO NA NERD?!" sigaw niya sa akin. Ang sakit ng mga binibitawan niyang salita. Hindi ko na kinaya lahat...
*PAK*
Sinampal ko siya.
"Grabe ka magsalita Dominic. OO ALAM KONG NERD AKO, ALAM KONG HINDI MO KO KAYANG MAHALIN, SINO BA NAMAN ANG ISANG CAMPUS HEARTTHROB NA MAGKAKAGUSTO SA ISANG NERD NA KATULAD KO? HA-HA-HA, NUNG UNA, YUNG NAGTAPAT KA SAKIN NA MAHAL MO KO, HINDI AKO NANIWALA AGAD NUN PERO NUNG NILIGAWAN MO AKO, SOBRA ANG SAYA KO. GINAWA KITANG INSPIRASYON ARAW-ARAW, MASAYA AKONG GUMIGISING, MAAGA AKONG PUMUPUNTA SA SCHOOL PARA LANG MAKITA KA, PERO LAHAT NG YUN NAWALA NG ISANG IGLAP, NAWALA DAHIL SA ISANG HAMAK NA DARE."
"Alam ko at kung hindi dahil sa pesteng dare na yun, hindi sana ako nagtitiis sa pangit mong mukha!" sigaw niya sa akin.
"OO ALAM KONG PANGIT AKO, PERO WALA AKONG PAKEALAM DAHIL MAHAL KO KUNG ANO AT SINO AKO, SANA GANOON KA RIN!" sigaw ko sa kanya sabay alis.
Palalampasin ko to ngayon Dominic, pero tandaan mo darating ang panahon at ikaw na rin ang luluhod sa mismong harapan ko at hihingi ng tawad sa lahat ng ginawa mo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Umuwi ako sa bahay na namamaga ang mata.
"Oh anak, anong nangyari sa yo?" tanong ni mama.
"Mama... *sniff*" sabi ko. Niyakap ako ni mama.
"Ano kasi ang nangyari?" pilit ni mama.
"Mama... S-si D-dominic... S-s-sinaktan a-ako..."
"HAYOP SYA!"
"Mama... Wag mo na tong sabihin kay Kuya.." paki usap ko kay mama.
"Ano? Bakit naman?!"
"Alam niyo naman Mama kung anong ugali ni Kuya pag nasaktan ako..."
"Oh sige sige, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga." sabi ni Mama.
Sinunod ko ang sinabi ni Mama. Pumasok na ako sa kwarto at nagpahinga.
Francis' POV
Umuwi na ako sa bahay na kinakabahan. Ewan ko bat ganito.
"MAMA!" sigaw ko.
"Oh anak, bat ka sumigaw? May problema ba?"
"Nasaan si bunso Ma?"
"Nasa kwarto niya, nagpahinga." sabi ni Mama.
Hindi ko na pinansin pa si Mama at pumunta na ako sa kwarto ni Franchesca. Pagka bukas ko ng pinto, nakita ko syang nakahiga. Lumapit agad ako sa kanya, hinawakan ko ang mukha niya. May tumulong luha.
"Dominic... Dominic... Please...*huk* wag mo kong iwan *sniff*" sabi niya habang umiiyak.
"Bunso... Bunso.. Gumising ka."
Gumising siya at parang nagulat na nandito ako.
"Kuyaaaaaaa!" sabi niya at yumakap sa akin.
"Ssshhhhh... Wag ka nang umiyak, anong nangyari?"
"S-si D-dominic..." umiiyak na naman siya.
Alam ko na yan. Sinaktan na naman ang bunso ko. Hayop sya.
"Bunso, sumama ka na sakin papuntang Korea." sabi ko sa kanya. Para mapalayo sya sa hayop na yun.
"Kuyaaaaa!!!" sabi niya na parang hindi sya gustong sumama.
"Hoy anong kuya? Pag hindi ka sumama sa akin, palagi ka nalang mag mumokmok dito at kung sasama ka naman sakin magbabago na ang buhay mo."
Franchesca's POV
"Sige kuya. Pupunta na ako sa Korea. Sasama ako sayo."
Magbabago na ako, hindi na ako yung NERD na palaging sinisigawan, palaging binubully, at nasaktan ng isang campus heartthrob. Mula ngayon hindi na ako ang masasaktan kundi ako na ang makakasakit.
YOU ARE READING
When I'm His Property (Completed)
RandomThis is my first story. ^_^ Try to read it!