Franchesca's POV
Ilang araw na simula nung pumasok ako sa school. Ngayon.. Ngayong araw ko na sisimulan ang aking paghihiganti. Dapat nga noong unang araw ko sisimulan eh pero biglang nawala yung tapang ko..
Pero ngayon marami na akong naipong lakas kaya handa na akong maghiganti.
Andito ako ngayon sa garden ng school. Nag iisip kung ano ang una kong gagawin.
"Uhhmm.. Pwede bang umupo?" tanong ng isang lalake pero hindi ko tiningnan... Ayaw kumilos ng katawan ko eh... Umupo naman sya kahit hindi pa ako sumasagot.
"Hi." bati niya. Parang familiar yung boses ah.... Don't tell me si?????? o_O
"Kumusta ka na?" bakit ba ang kulit neto?! Pag tingin ko sa kanya... Si Dominic...
"A-ano ang ginagawa mo dito?!" sabi ko at napatayo.
"Teka, relax lang. Gusto ko lang naman na makipag kaibigan sayo.." sabi niya. Pero seryoso sya dun.
He is fvcking serious?! Matapos nya kong lokohin?! Hays... Impossible.
"Umupo ka muna.." dugtong niya. Uupo sana ako pero pinigilan ko.. Alam kong may kailangan to eh..
"Anong pakulo ito Dominic?!" diretso kong tanong sa kanya.
"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng makipag kaibigan lang? Porket guma--" naputol ang sinabi niya ng sumingit ako.
"Pwede ba Dominic.. Wag mo na akong paikutin? Ano ba ang sadya mo?"
"Okay, okay.. Sasabihin ko na. Wag ka namang magalit.."
"Gusti ko sanang makipag ayos sayo."
Ang kapal ha. Kasing kapal ng dictionary. Pinapaikot lang ako neto eh. Oh baka dare na naman. Tsk.
"Wag na Dominic. Minsan mo na akong sinaktan at ayoko ng masaktan pang muli.. Kaya please.. STAY AWAY. Ayoko ng makita pa yang pagmumukha mo." sabi ko sabay talikod sa kanya.
Pero pinigilan niya ako.
"Franchesca.. I love you..." sabi niya. Napatigil ang mundo ko.. Gusto kong maniwala na mahal niya ako pero ayoko sa kasinungalingan na nagmumula sa kanya.. Ayoko ng magpakatanga pa..
Humarap ako sa kanya. Pero nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Tss. Marunong palang umiyak to? Kung may award lang na Best Actor sya na yun. Pero nanghihina ang katawan ko nung nakita ko syang umiyak.. Ayy sh!t konsensya wag!
"Pwede ba Dominic.. Wag ka ng magpaka plastic?! Hindi bagay sayo ang umarte. But thanks for the effort.. I appreciate it." umalis na ako papuntang CR.
Gusto kong umiyak... Mahal ko pa rin ang mokong na yun..
YOU ARE READING
When I'm His Property (Completed)
RandomThis is my first story. ^_^ Try to read it!