Chapter 2

8 1 0
                                    

Francesca's POV

"Anak, talaga bang sasama ka sa Kuya mo?" Tanong ni Mama.

"Opo Mama, dahil gusto ko ng magbago at para na rin na hindi na ako masaktang muli." sagot ko.

"Bunso halika na, baka mahuli pa tayo sa flight." sabi ni Kuya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Anak, mag iingat kayo doon sa Korea ha."

"Opo Ma, aalis na po kami ni Kuya baka mahuli pa kami sa flight namin." paalam ko kay Mama.

"O sige anak, paalam na sa inyo."

"Uuwi rin kami dito pag mabuti na si bunso. Bye Ma. We miss you. We love you Ma." paalam ni Kuya kay Mama.

Hays... Mamimiss ko si Mama at ang Pilipinas, pero kailangan kong gawin to.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*KOREA*

"All passengers, we are going to land in Korea International Airport."

"Kuya, andito na tayo."

"Nga pala Kuya, saan tayo mag s-stay ngayon?" tanong ko kay Kuya. Sa pag alam ko, wala kaming kilala dito.

"Ano ka ba Francesca Griffin, hindi mo na ba naalala na may bahay tayo dito sa Korea." sagot ni Kuya. Ha? May bahay kami dito? Di ko na maalala ah parang maliit pa ata ako nun.

"Sabagay, hindi mo na naaalala dahil 2 years old ka pa nun ng napatayo ang bahay natin dito." sabi ni Kuya.

"Teka nga pala, nasan nayung kotseng susundo satin dito papuntang bahay?" tanong ko pa. Eh malay ko bang hindi ko alam hehe.

Ginulo lang ni Kuya ang buhok ko. Tapos bingyan nya ako ng ngiti na pang stupid. Aray ha! Hindi ako aso noh! Hmp.

"Ano ka ba naman bunso, puro ka satsat dyan. Hali ka na nga, nandito na yung susundo satin."

Second time in Korea! Sana mabago na talaga ang buhay ko dito. If mangyari yun, thanks to Kuya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Bahay*

"Hay naku! Nakakapagod naman Kuya. Akyat muna ako sa kwarto, magpahinga pang ako saglit tapos maglilibot na rin ako mamaya para makapaglibang." sabi ko kay Kuya.

"Alright then. Magpahinga ka nalang muna. Pag nagutom ka, just tell Yaya para mapaghanda ka ng pagkain. Aalis rin ako saglit may pupuntahan lang."

"O sige Kuya. Ingat."

"Ikaw din, mag iingat ka. If there's any problem, just call me. Okay?"

"Of course Kuya, sino pa naman ang mahihingi-an ko ng tulong, eh ikaw lang naman."

"O sige, bye. Lock the doors."

Niyakap ako ni Kuya tas umalis na sya. Hays.. Be good to me Korea.


Dominic's POV

"Pare, nasaan na nga pala yung DARE mong girlfriend?" tanong ng kaibigan ko.

"Ah yun? Hindi ko na alam baka siguro patay na nga yun sa kakaiyak dahil iniwan ko na. Nakakasawa pare!" sagot ko sa kanya.

"Kawawang babae, umasa sa campus heartthrob na magugustuhan pa siya, eh sino namang magkakagusto dun? Hindi niya nga alam yung word na fashion. HAHAHAHA!" sabi ng ugok kong kaibigan.

Ulol talaga tong kaibigan ko. Sana di ko na makita yun. Nakaka bad mood at nakaka bad trip! Putcha! It's all dare. I don't love her. Even in a million years, never ko syang mamahalin.

Francesca's POV

"Good afternoon madam Francesca." bati sakin ni Yaya.

Nasa 50's na sya. Kawawa naman sya. Sya pa yung kinuha ni Kuya, tsk. I tell Kuya nalang na lakihan ang sahod nya kay Yaya.

"Good afternoon din po. Hindi pa ba umuwi si Kuya?" tanong ko kay Yaya.

"Ahh si Sir po? May client pa daw syang aasikasuhin kaya matatagalan po syang umuwi." sagot ni Yaya.

Baka nga. Sige, hindi ko nalang tatawagan si Kuya.

"Sige po, mags-shopping at maglilibot na muna ako Yaya. Kuya Guard paki buksan na po yung gate at pakihanda na rin ng kotse ko."

"Sige po Maam. Mag iingat po kayo baka ako po yung malagot sa Kuya mo." sabi ni Yaya.

Hahahaha. Si Kuya talaga, napaka overprotective.

"Don't worry po Yaya, ako lang pong bahala. Sige po, aalis na ako."

Nakahanda na yung kotse sa labas.

"Maam, hatid ko na po kayo." sabi ni Kuya Guard.

"Wag na po Kuya, kaya ko na po sarili ko."

"Sige po maam. Ingat po."

Pumasok na ako sa kotse at umalis na.



When I'm His Property (Completed) Where stories live. Discover now