Wakas

766 25 29
                                    

After four years...

Nakakapanibago ang lahat dito sa Palawan. Hindi na kami nagbalikan ni Christian at masaya akong masaya na rin siya sa iba ngayon.

Ngunit may pasan-pasan pa rin ako sa balikat ko. Hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko sa kaniya noon. Hindi ko pa rin magawang mapanatag dahil napakasariwa pa rin ang lahat at halos wala na akong balita sa kaniya ngayon. Hindi ko alam kung iniiwasan na nga niya ako o may pake pa rin, pero ayaw lang magparamdam. Balita ko ay nasa Manila siya. Dumiretso siya doon pagkatapos niyang nag-graduate, pero bakit hindi kami nagkita doon? Dumiretso para doon mag-review at doon magturo nang tatlong taon. Nasaan siya? Sinundan niya rin ba ako?

Nasa Tropatatas group chat pa rin siya, pero minsan nakikita kong nagse-seen lang siya at hindi na nagcha-chat gaya ng dati. Siguro ngayon nasa spam messages na niya ang group chat namin.

Niloko ko siya, kaya sino ang hindi iiwas, 'di ba? Kahit hindi rin niya sabihin sa akin nang diretso alam kong kong galit siya. Ayaw niya lang akong masaktan lalo kapag magbibitiw siya ng mga salitang ayaw niyang mabasa ko o marinig.

Ayaw ko na ring lumabas ng bahay minsan sapagkat nasa isip kong baka makasalubong ko siya rito. Natatakot ako at sobrang nakokonsensiya. Nang mawala siya sa akin, doon ko lang nawari kung gaano siya kahalaga sa akin. Mahal ko siya, pero niloko ko lang.

Kitang-kita ko sa mga mata niya n'on nang magkita kami. Sinusundo niya ako pero bigla na lang akong tumakbo, palayo sa kaniya. Ang tanga ko masyado.

Bakit ganoon? Saka ko lang mare-realize ang lahat ang halaga niya kung wala na siya sa tabi ko?

Tanginang malutong, Krissel!

Binuksan ko ang messenger ko at binalikan ang aming masayang pag-uusap. Mga banat namin sa isa't isa na hindi alam kung halos pambobola lang ba ang lahat o may kaseryosohan din. Masaya siyang kausap kahit madalas ay wala kaming nagpag-uusapan masyado sa chat. Palagi niyang pinapagaan ang mood ko, lalo na kapag malungkot ako.

Matipid akong ngumiti nang mabasa ang huli niyang chat sa akin. He sent me a chain message. Naalala pa pala ako nito noon, ngunit hanggang doon na lang, hindi na siya muling nagparamdam.

September 19, 2019 AT 6:35 PM

Macoy

: Hi, please read !!!
Do not Cry. OK!!!
God saw that you are suffering for something and He says enough. A blessing is coming to you. If you believe in God, send this message. Please do not ignore, you've been tested. God will fix two things tonight in your favor. Tomorrow is going to be the best day of your life. Do not break this chain Send to 20 friends.

Ang chain message na nagpataba sa aking puso dahil hindi niya ako kinalimutang pasahan. Kumusta na kaya siya ngayon?Naaalala pa ba niya ako? Ako pa rin kaya ang gusto niya?

And today is his birthday. Gusto ko siyang batiin kaso nahihiya ako.

Hinintay kong i-block niya ako o 'di kaya'y i-unfriend ako, pero hindi niya ginawa.

Bumalik ako sa news feed ko at hinayaan ang daliring ini-scroll pababa para makapag-react sa mga posts ng facebook friends ko. Maya-maya tumigil ako sa pag-scroll nang bumungan ang pangalan niya.

Macoy Hernandez shared a post.

2 days ago ● 🌍

'Yong mahal na mahal ko talaga siya, pero ilang oras lang akong nag-stay sa buhay niya. Ngayon, masaya na ako at wala na 'yon. Parte na iyon ng nakaraan ko at natuto naman ako. Na hindi lahat may magandang love story, at higit sa lahat ay huwag agresibo at manligaw sa chat. At saka huwag masyadong mapaniwala. May mga kasinungalingang nakatago sa mabulaklak na mga salita.

13 Hours (CHAT SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon