September 26, 2018
5:21 P.M.
Macoy
: Naiilang ka ba sa akin?
Krissel
: Hindi.
Macoy
: Bat ganun ka kanina? Hindi ka nagsasalita
: Nakkapanibago
: Sanay akong maingay ka at nagmumura kapag kasama ako
: Ayaw moba sakin?
Krissel
: Wala.
: Ayos lang ako.
: Pagod lang siguro.
: Naguguluhan ganun.
: Basta. Okay lang.
: Salamat pala sa paghatid sa akin.
Seen 5:23 P.M.
Macoy
: R u sure?
Krissel
: Aaminin ko... nahihiya ako sayo.
Macoy
: Bakit naman?
Krissel
: Kasi parang ang tanga ko
rito sa chat tapos wala akong maihaharap sayo kanina.Macoy
: nah! Nahiya ka pa. Wala ka namang hiya sa akin dati.
Krissel
: Tangina mo, a.
Macoy
: Nagbalik kana hahahaaa
: Mas sanay akong ganyan ka
Krissel
: Eh?
Macoy
: Ehehbigin kita yieeeuttt!
: Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Di pa naman ako nanliligaw
: Pero hayaan mo lang akong ganito
: Wag ka sanang mailang
Krissel
: Magme-meryenda lang ako saglit
: Hindi naman.
Macoy
: Sinabi mo sana kanina nang inilibre kita
Krissel
: Huwag na, nakakahiya naman. Hinatid mo na nga ako ililibre mo pa.
Macoy
: Sus! Nahiya pa
: Nga pala welcome 😘
Krissel
: 😘?
Macoy
: May matatanggap lang heart kapag sasaluhin mo
Krissel
: 💕
Macoy
: 💕?
Krissel
: Sinalo ko kaya ganiyan.
Macoy
: Joinks. Mahihiya ka na naman sa akin niyan bukas
Krissel
: Hehe
Macoy
: I miss u
Krissel
: Yak!
Macoy
: I miss u too yan para sakin
Krissel
: Ewan ko sayo.
BINABASA MO ANG
13 Hours (CHAT SERIES #2)
Acak𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 CHAT SERIES #2 ---- "Segundo at minu-minuto kitang minahal at seryoso ako ngunit bakit ilang oras mo lang akong minahal?" - Macoy Hernandez Started: October 13, 2018 Finished: January 5, 2019 EDITED/REVISED VE...