Chapter 6 (Hindi makatulog sa gabi sa kakaisip...)

39 0 0
                                    

Pag-uwi ni Kath ng bahay nila, hindi siya makatulog at hindi niya maintindihan kung bakit kaya sa sobrang hindi siya mapakali, tinawagan niya si Julian.

Kath: "Hello Julian!"

Julian: "Oy babe ano? Gabing gabi na ah!"

Kath: "Alamo na bang nakakulong si Daniel?" (Crying)

Julian: "Oo, kahapon pa. Bakit? Umiiyak ka ba?!!!!"

Kath: "Di ka pupunta dun? Nakakaawa kasi siya eh! Galing ako dun kanina."

Julian: "Oh? Ayos ah. Buti pa yung malayo nabibisita mo. Kaming andito lang hindi."

Kath: "Ano ka ba!!! Biglaan yun! Napasama lang ako!!"

Julian: "Ewan ko sayo! Sige na! Bukas nalang!"

At binaba na nga ni Julian ang tawag dahil sa pagtatampo.

Maya maya, may tumawag naman kay Kath. Si Teddy. Nangangamusta. At sakanya nalang sinabi ni Kath na gusto niyang tulungan si Daniel.

Si Teddy naman, kahit na nasasaktan, umoo at sinuportahan si Kath sa gusto niya. Nagpunta sila don magkasama at nagbigay ng pagkain.

After two days..tinext ni Kath si Teddy.

Kath: "Teddy, bisita ulit tayo kay Daniel!"

Teddy: "Gusto mo? Kelan? Sige."

Kath: "Mamaya!"

Teddy: "Oh diba manunuod tayo sine mamaya at kakain sa labas?"

Kath: "Ay ganun ba? :( Pwede bang next time nalang? Bisita muna tayo dun, please?"

Teddy: "Ikaw bahala. BOSS."

Nakaramdam si Kath na nagtatampo si Teddy kaya nagsorry siya dito.

Kath: "Sorry :( Naaawa kasi ako sakanya eh. Wag ka na magtampo."

Teddy: "Gusto mo ba siya? Bakit ka ganyan sa kanya?"

Kath: "Huh? Hindi ah!!!!!"

Teddy: "Sana nga.."

At kahit nga labag sa loob ni Teddy ay nagpunta parin sila kay Daniel sa kulungan. This time, kasama naman si Jugs.

Pagdating nila don, andun ang kaibigan ni Kath na pulis. (Marami siya kilalang pulis don kaya pulis 1, 2, 3, 4 at 5 nalang tawag natin)

Pulis 1: "Kath. Anong ginagawa mo dito? Sino dinadalaw mo? Ako? Hahaha."

Kath: "Siyempre..hindi! Haha! Kaibigan ko. Si Daniel."

Pulis 1: "Daniel? Ah...si buko boy." (Buko yung name ng bar)

Kath: "Oo yun nga. Teka. Pakainin ko lang ha?"

Pulis 1: "Syota mo yata yan eh!"

Kath: "Hindi ah! Tropa lang! Sige na Kuya. Maya nalang."

Lumapit si Kath sa rehas at tinawag si Daniel.

Kath: "Daniel!!! kumain ka na ba? Ano gusto mong kainin?"

Daniel: "Oh Kath. Sinong kasama mo? Wag na. Okay lang ako."

Kath: "Sila Teddy. Ano nga? Okay eh tignan mo nga itsura mo oh!" :(

Daniel: "Ikaw bahala."

Maya maya, pumasok na sila Teddy kasama si Ryan (anak ni Coleen)

Kath: "Ryan..bili naman kayo chicken at spag sa jollibee. O kaya sa chowking. Please?"

Ryan: "Sige Ate Kath.. Bawasan ko to pangyosi ah?"

Kath: "Sige. Bili ka na rin tubig."

Habang bumibili sila, naguusap lang si Kath at Daniel. Kumustahan na parang wala sila sa kulungan. Palaging tinatanong ni Daniel si Kath kung okay lang ba sya kasi alam niyang hindi ito sanay sa ganong lugar.

Daniel: "Okay ka lang ba? Upo ka muna dun oh. Baka pagod ka na."

Kath: "Wag mo akong isipin. Okay lang ako. Ikaw nga iniisip ko eh."

Hindi nila napansin na dumating na pala sila Ryan..sumabat si Ryan sa usapan.

Ryan: "Alam mo ba Daniel na si Ate Kath kagabi ayaw kainin yung dala ni Kuya Kim na KFC kagabi kasi sabi niya, habang nagkeKFC daw kami ikaw daw di makakain ng maayos dito sa kulungan. Tapos umiiyak pa. Parang bata."

Daniel: "Talaga? Umiyak ka?" (Nakatingin kay Kath)

Kath: "Hindi ah! Bakit ako iiyak?!" (Sabay talikod.)

Daniel: "Oh bakit ka tumatalikod?"

Kath: "Kumain ka na nga!!!!"

Nilapitan niya si Ryan at kinurot. Sabay hanap kela Teddy.

Kath: "San sila Kuya Teddy mo?"

Ryan: "Andun. Nagyoyosi. Umiiyak din. Buti pa daw yung nakakulong napapansin mo. Siya daw nasa labas dinedeadma mo."

Kath: "Hindi nga??? Tawagin mo nga. Sabihin mo dito sila kay Daniel."

Lumabas si Ryan para tawagin sila Teddy pero si Jugs lang ang pumasok.

Jugs: "Kath halika nga..."

Lumapit si Kath sakanya..

Kath: "Bakit?"

Jugs: "Umamin ka nga sakin. Ano bang meron sainyo ni Daniel? Parang ang tagal niyo ng magkakilala at magkarelasyon eh."

Kath: "Huh? Hindi ah!!! Tropa lang. Tropa siya ng mga tropa ko at ng ex ko."

Jugs: "Tropa ng ex mo o siya ang ex mo? Para kasing higit pa sa tropa eh. Nakakasakit naman samin na andito. Kami yung andito, siya ng siya hinahanap mo at gusto mong makasama. Kasama mo kami pero gusto mo dito tayo tatambay."

Kath: "Hala. Sorry. Ano ka ba. Naaawa lang kasi ako sakanya. Para namang hindi niyo siya kaibigan."

Jugs: "Kaibigan namin siya pero ganto lang kami. Ikaw parang hindi ka na kaibigan eh!"

Kath: "Ano ka ba. Mamaya na tayo mag-usap baka marinig pa niya tayo sumama pa ang loob."

Pagkatapos kumain ni Daniel, nagpaalam narin sila sakanya. At habang pauwi, pinakikinggan ni Kath ang mga sinasabi nila. Puro negative. Kesho, gago si Daniel kaya dapat lang siya don. Na babaero siya. Mayabang at kung ano ano pa.

Sa isip isip ko, "Grabe, para silang hindi kaibigan kung magsalita. Pinaiiral pa selos at inggit kesa sa concern at tulong."

Kaya naman nung gabi na yun, nag-decide si Kath na wag ng ipaalam sakanila ang pagdalaw niya kay Daniel at hindi na rin siya tumatambay kasama sila.

Pinili niyang araw araw na samahan si Daniel sa kulungan para pasayahin siya.

Ang EX kong EX CONVICTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon