Chapter 3 (Ang unang pag-uusap)

28 0 0
                                    

Si Kath at Daniel ay maraming common friends.

Madalas silang nagkakasama o nagkakasalubong ngunit hindi sila ngkakaron ng chance makapag usap dahil una, kung hindi si Kath ang may kasamang boyfriend, si Daniel ang merong bitbit na babae. Pangalawa, ayaw ni Kath kay Daniel dahil ang tingin niya dito ay adik. Pangatlo, kahit sisiga siga si Daniel ay mahiyain ito lalo kapag alam niyang suplada ang babae.

Pero, after 4 years ay nagkaron sila ng pagkakataong magkasama at magkausap.

Fiesta non sa isang lugar at birthday ng pinsan ng nalilink kay Kath noon na si Julian. Sinama siya nito pati ang mga barkada niya para kumain, mag-inom at mag-videoke at dahil barkada ni Julian si Daniel, dumating din non si Daniel kasama ang isa pa nilang barkada na si Jon.

Julian: "Babe. Si Daniel nga pala. Kilala mo na yan diba?"

Kath: "Ah oo. Yung tropa ni Alex."

Daniel: "Ex mo yun, diba?"

Kath: "Chismoso ka, noh?"

Daniel: "Sungit mo naman. Girlfriend ka ni Julian?"

Sumabat si Julian....

Julian: "Hindi pa pero malapit na. Diba babe?"

Ngumiti lang si Kath at pumasok sa kotse para kunin ang yosi niya... At paglabas niya sumandal siya sa kotse habang nagyoyosi dahil nangangalay na siya sa sapatos niyang napakataas. At napansin niyang nakatitig sakanya si Daniel kaya sabi niya...

Kath: "Anong tinitingin tingin mo diyan?" (Nakataas kilay pero natatawa.)

Daniel: "Nagyoyosi ka pala?"

Kath: "Oo, bakit? Bawal?"

Daniel: "Hindi naman. Nagulat lang ako. Dati kasi ayaw mo ng usok."

Kath: "Dati yon."

Daniel: "Suplada ka noh?"

Umalis si Kath, tinapon na ang yosi niya at naghanap ng kanta sa videoke.

Kath: "Babe! Gusto ko na kumanta! Hanap mo nga ako!"

Julian: "Sakto. Ayan si Daniel oh, magaling din kumanta yan." (Nakaturo kay Daniel.)

Daniel: "Mamaya nalang pag lasing na ako. Hahaha."

Tinignan ni Kath si Daniel at inirapan.

Daniel: "Hala. Bakit ang sungit mo sakin?"

Kath: "Wala lang. Kanta ka na." (Inaabot kay Daniel ang song book.)

Daniel: "Ikaw muna. Magaling ka yata kumanta eh."

Sabay sabat ng magkasintahan na sila Julia at Enchong.

Enchong: "Magaling talaga yan! Magaling humawak ng mic yan!"

Kath: "Gago!"

Julia: "Bebe! Dali na!! Kanta ka na! Yung Alone!!"

At kumanta na nga si Kath. Habang sila Enchong at Julia ay todo cheer...

Pagkatapos ng kanta,

Daniel: "Galing mo naman kumanta, suplada."

Hindi siya pinansin ni Kath. (Pero deep inside kinikilig.)

Gwapo kasi si Daniel. Simple lang pumorma. Naka-skinny tapos polo shirt na puti at naka top sider. Matangkad tapos macho. Pero ayaw ipahalata ni Kath kasi alam niyang babaero si Daniel.

Maya maya...

Enchong: "Julian alis na kami. Hahatid pa namin to si Kath. Salamat sa pagkain. Nabusog kami."

Julian: "Uwi na kayo? Eat and run ah. Hahaha. Sige pre. Ingat kayo ah. Ingatan niyo si Kath."

Enchong: "Oo naman pre. Kami bahala diyan."

Kath: "Uy salamat babe ah. Kita kits nalang bukas." "Daniel! Alex! Alis na kami. Ingat kayo."

Daniel: "Ay. Hindi na kayo mag-iinom?"

Gustong gusto magpaiwan ni Kath pero alam niyang hindi siya papayagan nila Enchong kaya ang sabi nalang niya eh...

Kath: "Hindi na eh. Next time nalang."

Nagbeso na si Kath kay Julian sabay pasok na sa kotse.

Gusto niya bumaba kasi parang gusto pa niya makilala si Daniel lalo pero hindi siya pwede umuwi ng wala sila Enchong kaya hindi na siya nagpaiwan kahit pa gusto niya.

After non, hindi na sila nagkita ulit ni Daniel. Wala ng balita sa isa't isa. Pero sila nila Julian, palagi paring magkasama.

Nararamdaman ni Kath na nagiging seryoso na si Julian sakanya kaya naman tinanong niya ang bestfriend niyang si Julia kung dapat na ba niyang sagutin ito.

Kath: "Bebe, okay naman si Julian diba? Hindi siya gwapo pero...mabait siya at masarap kasama."

Julia: "Oo naman be! Hindi naman importante itsura! Ikaw kasi ang hilig mo sa gwapo!"

Kath: "Hindi naman. Nagkakataon lang."

Sasagutin na sana ni Kath si Julian pero biglang nagkaproblema ang bestfriend niyang si Julia kaya mas inuna niya ito.

Nakipagbreak si Enchong kay Julia. Sobrang dinamdam ni Julia kaya halos hindi na sila pumasok nila Julian para lang samaham siya mag-inom at umiyak. At ang sumunod na nangyari ay hindi na alam ni Kath kung paano nanangyari.

Isang umaga, magkakasama sila. Nalaman nalang niya na si Julia na pala at si Julian. :)

Inamin ni Kath sa isa nilang kaibigan na si Kiray na medyo nasaktan siya kasi nagulat siya pero hinayaan nalang niya kasi muka namang masaya ang bestfriend niya :)

Pero sa isip niya ay natatawa siya kasi dati si Julia pa ang nagtutulak na sagutin na niya si Julian. Tapos yun pala sila ang magkakatuluyan.

Hindi siya nagdamdam sa bestfriend niyang si Julia at hindi na rin niya ito inopen up pa.

Inenjoy nalang ni Kath ang buhay single niya hanggang sa....

Ang EX kong EX CONVICTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon