Chapter 7 (Love is sacrifice.)

18 0 0
                                    

Araw araw dumadalaw si Kath kay Daniel kaya nauubos na ang savings niya sa araw araw na pamasahe at pagbili ng pagkain.

Isang gabi pag-uwi niya, narealize niya na wala na talaga kaya pinilit niyang magtipid.

Nagluluto siya sa bahay nila ng pagkain tapos hindi na siya nagsespecial papunta ng kulungan para imbes na 300 ang balikan niya, 12 + 8 x 2 lang ang magagastos niya. Pero kahit anong pagtitipid niya, mabilis parin talaga maubos ang pera kaya wala siyang choice kundi buksan na ang alkansya niya kahit hindi pa ito puno.

Sa sobrang araw araw at maya't maya nagpupunta si Kath kay Daniel, dumating siya sa point na hindi na niya naaalagaan sarili niya.

Pagkagising niya, ligo agad tapos alis na tapos uwi tapos makakatulog tapos pagkagising alis ulit para pumunta kay Daniel. Tapos pag uwi niya ng gabi hindi siya makatulog ng maayos dahil sa pag-aalala. Umiiyak siya. Nagmaakaawa sa Diyos na palayain na si Daniel. Iiyak siya ng iiyak hanggang sa makatulog siya.

Wala siyang gana kumain. Basta nakikita niyang busog at masaya si Daniel, okay na siya.

At dahil nga araw araw ng andun si Kath, kilala na siya sa station mapa pulis man yan, preso o bisita.

Ang tawag sakanya ng mga tao don ay "Kathy"

Isang gabi, nilapitan siya ng isang kaibigan niyang pulis.

Pulis 2: "Kath. Yan bang dinadalaw mo eh asawa mo o boyfriend mo?"

Kath: "Wala Kuya. Tropa ko lang."

Pulis 2: "Tang inang tropa yan. Araw araw ka andito tapos tropa lang?! Ibig sabihin kahit hindi siya ang nakakulong diyan basta tropa mo, araw araw mo din dadalawin?"

Kath: "Siguro. Hindi ko alam. Haha!"

Pulis 2: "Pinaglololoko mo ako eh! Mahal mo yun noh?"

Kath: "Showbiz ka Kuya!!!!"

Pulis 2: "Ikaw nga diyan eh. Halata naman, dinedeny niyo pa. Eh ikaw lang naman ang nagpapasaya diyan. Pag may dumadalaw sa kanyang iba, hindi naman yan ganyan kasaya. Pero pag ikaw, parang nakakalimutan niyang nakakulong siya."

Kath: "Kuya naman eh! Pinapaiyak mo ako!!!!"

Pulis 2: "Bakit? Totoo yun. Ang swerte ni Daniel sayo. Grabe ka magmahal."

Kath: "Pero hindi kami pwede Kuya. May anak na yan. Tapos hindi ko pa alam kung okay pa sila nung nanay ng bata." (Iyak)

Pulis 2: "Asawa na ba niya?"

Kath: "Hindi kuya. Nanay ng anak niya pero hindi sila kasal at hindi rin nagsasama."

Pulis 2: "Yun naman pala eh! Tsaka wala kaming nakikitang dumadalaw ditong ibang babae. Ikaw lang, kapatid niya at mama niya. Kapag meron, sasabihin naman sayo ng ibang preso diyan kasi gustong gusto ka ng mga yan."

Kath: "Salamat kuya.." (Iyak) "Balik na ako sa loob baka hanap na ako non."

Pagbalik ni Kath, ang sama ng tingin ni Daniel sa kanya.

Daniel: "San ka galing? Bat ang tagal mo?!" (Galit at pasigaw)

Kath: "Diyan lang. Nagyosi lang ako. Tapos kinausap ako nung pulis na tropa ko."

Daniel: "Eh bakit ganyan mata mo?! Umiyak ka nanaman!"

Kath: "Hindi. Napuwing lang ako." (Sabay ngiti)

Daniel: "Halika nga dito."

Hinawakan niya ang kamay ni Kath at hinalikan.

Daniel: "Kath, salamat sa lahat ha? Ang bait mo, sobra. Mag-usap tayo paglabas ko dito. Umuwi ka na. Gabi na. Baka hanap ka na ng mama mo."

Kath: "Sige. 5 mins, uwi na ako."

Daniel: "Ang tigas ng ulo mo. Mag-aalala ako sayo kasi gabi ma tapos mag-isa ka pa. Buti kung nakakotse ka eh hindi."

Para hindi mag-alala si Daniel, nagsinungaling si Kath sa kanya.

Kath: "Susunduin ako nila mama."

Daniel: "Sige. Wag mo na sila pasilipin dito ha? Ayokong makita nila akong ganito."

Kath: "Osige."

At maya maya nga ay umuwi na si Kath. Pero habang pauwi na siya, may nakakita siguro sa kanya kaya biglang nagtext sa kanya sila Kuya Kim.

Kuya Kim: "Mabuti pa yung nasa kulungan, nabibisita mo. Kaming andito hindi. Mas mauuna naman bahay namin kesa sa kulungan. Nakakatampo naman! Paramdam ka naman samin!"

Kaya naman nagdecide si Kath na imbes na umuwi na eh dumaan muna kela Kuya Kim para bumisita. Pero pagdating niya dun, may inuman. Nagkasiyahan kasi matagal hindi nagkita kita kaya napasarap at hindi na nakauwi si Kath.

Pagkagising niya, tanghali na. Dali dali siyang bumangon at nag-ayos. Pupunta na sana siya kay Daniel pero biglang tumawag sa kanya ang kaibigan nilang si Vhong.

Vhong: "Hello Kath, nasan ka?"

Kath: "Andito kela Kuya Kim pero pauwi na rin. Bakit?"

Vhong: "Hindi ka ba dadaan kay Daniel?"

Kath: "Di ko pa alam bakit?"

Vhong: "Sabay sana ako eh. Tara. Antayin mo na ako diyan sabay na tayo pumunta don."

Kath: "Asige sige. Ingat."

Kinakabahan si Kath kasi malalaman ni Daniel na hindi siya umuwi at na nagsinungaling siya dito. Hindi naman niya masabihan si Vhong kasi baka kung ano ang isipin nito. Kaya si Kath, nag iisip nalang ng paraan para hindi mapag-usapan kung saan siya galing.

Ang EX kong EX CONVICTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon