3: Dance Your Way Into Love

25 2 0
                                    

I'll dedicate this to my Friend Sy na mahilig mag-drama kapag nagkakatuwaan kaya mas nakakatawa lang... hahahah... Hiyaa naman ako sa'yo... <3 you too friend... ^^

Hope you'll like this... Biglaan lang ang update na ito matapos ang isang masaya na namang araw...

----------

Chapter 3

"I think he likes you."

“That’s what you think. Hindi ko gustong isipin ‘yan. I hate the thought of it.” sagot ko kay Shane.

“Teka, teka. Bakit nga ba parang ang laki ng galit mo dun, eh ngayon lang naman natin siya nakaharap at nakausap. Dahil ba hindi ka niya napansin noon?”

Seryoso na si Shane. I know that kind of expression. Lahat ng sasabihin niya ay naaayon sa kung ano lang ang nalalaman niya.

“Hindi ako ganoon kababaw, alam mo ‘yan.”

“Sabagay. I just thought kasi wala na akong maisip na dahilan. Eh, bakit nga ba?”

Mukhang nafu-frustrate na rin si Shane. Kitang-kita ko 'yon sa mukha n'ya.

“I just don’t like him that’s all. No more reasons, kaya ‘wag mo nang pasakitin ang ulo mo sa pag-iisip.”

Sinabi ko lang 'yon para matapos na. Parang hindi naman nahalata ni Shane na umiiwas ako sa topic. O sadyang ayaw n'ya lang umalis sa topic na iyon?

“I know na hindi ka ganoon kababaw, pero hindi ka rin ganyan ka-judgmental. Kaya alam kong may dahilan ka. I know you that much.”

I look straight to her eyes. Yep! Binabasa n'ya ang iniisip ko. Ganoon n'ya siguro ako ka-kilala para malaman n'ya ang iniisip ko.

I sighed.

"What's the matter, girl? Bakit ang cold mo kay Lance?" tanong uli ni Shane.

Syempre hindi pa niya alam ang nakaraan ko. I didn't tell her. I didn't tell anybody. I don't want their pity on me. Hindi ko iyon kailangan. Gusto ko na ng buhay ko ngayon. I am contented of what I have.

But my bestfriend deserves to know. I owed her that much. Maliban kasi kay Nanay ay siya ang isa sa mga tumulong sa'kin na lumimot.

First year ng makilala ko s'ya. Madali ko s'yang napakisamahan dahil napaka-out-going at cheerful n'yang tao. Masaya s'yang kasama kahit na aminado naman akong makulit talaga si Shane.

"Hoy! Bestfriend!" Sinigawan na 'ko ni Shane. Natulala na pala ako. Pumitik-pitik pa siya sa tapat ng mukha ko.

"Huh? What?"

"Hay naku! Ayun, bangag na!"

"Sorry..."  Napatungo ako. “I don’t like his type. His a dancer and I don’t like dancers.”

“Why? Bakit parang ngayon ko lamang nalaman na may galit ka pala sa mga dancer?”

Obvious na sa tono ni Shane ang tampo. Sabi na eh. Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi ang magkwento.

“I’m sorry, best friend. Hindi ko kaagad nasabi sa’yo ang kwento ng buhay ko noon. Mahabang kwento din kasi.”

Tumingin si Shane sa wristwatch n'ya.

“I have a lot of time left so shoot.”

“Sa bahay na lang muna tayo para makapag-kwento ako sa’yo ng maayos.”

Dance your way into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon