5: Dance Your Way Into Love

11 2 0
  • Dedicated kay Leslie Faye Martinez
                                    

For Ate Les… dahil ni-share n’ya sa’kin ang story nila ni Kenneth… ehehe… Kayo na… kayo na talaga… ^^.

And for the one and only Friend Sy dahil sa mainit na araw na ito… Hahahaha… May naisip akong pangdugtong sa story na ‘to. At syempre makata din ang araw na ito according to her…

May nagtatanong nga pala kung bakit daw Tag-Lish ang naisusulat ko… Ganoon po talaga kasi minsan feel ko mag-English pero minsan tagalog talaga nasusulat ko… It depends po iyan sa mood ko… Hahahaha… And napansin ko lang kasi na mas nacu-cute-an ako kapag English ang sinasabi. Parang mas malakas ang kilig factor… Ahahahah… Mahilig kasi ako sa mga English movies kaya ganoon…

Pagpasensyahan n’yo na…

Tnx sa comment mong iyon… Sinabi n’ya na lang sa’kin kasi wala daw s’yang account s WattPad… Ahahahah… God Bless to all of you!!!

-------------------

Chapter 5

Shut Down.

Ayoko ng mag-isip!

Mas mabuti pa ang sumabay na lang ako sa agos keysa mag-isip ng mag-isip.

Baka pagka-graduate ko ay baliw na ako kung iisipin ko ng iisipin ang mga bagay na hindi ko na naman kailangan pang isipin.

“Thanks,” sagot ni Lance.

Pumasok na s’ya sa loob ng bahay.

Hinanap ko si Nanay.

Nakita ko s’ya sa kusina.

“'Nay,” tawag ko kay Nanay.

“Ang saya mo yata? Nag-merienda ka na ba?”

“Hindi pa po, 'Nay. May bisita nga po pala ako. Hinatid n’ya ‘ko kasi umuwi ng maaga si Shane kanina. Inihabilin n’ya ako kay Lance.”

“Bakit kasi ayaw mo pang bumili ng sarili mong sasakyan? Para naman hindi mo na naaabala si shane.”

“Ayoko pong galawiin ‘yung savings na binigay sa’kin ni Papa.”

May savings kasi ako sa bangko na buwan-buwan ay hinuhulugan ni Papa. Hindi ko pa nagagastos kahit isang kusing sa savings na iyon.

“Ibibili na lang kita,” offer ni Nanay.

“Ihhh! 'Wag na, 'Nay.”

Nakayakap ako sa braso ni Nanay. Ganoon ang lambing ko kay Nanay habang s’ya naman ay nagluluto ng merienda.

Spaghetti!

Yum! Yum!

“Sino nga iyong kasama mo?”

“Ay! Oo nga pala. Si Lance po iyon, 'Nay. Lance Delgado.”

Tumango si Nanay at saka dumiretso na sa komedor.

Dumiretso naman ako sa kwarto para makapagpalit ako ng damit.

“Oh, eh kamusta naman ang mga magulang mo, hijo? Hindi ko yata sila nakikita noong mga nakaraang araw?”

Naririnig ko ang boses nila Nanay habang palapit ako sa salas namin.

“Haha. Si Daddy po kasi, nasa tour sa Europe kasama si Mommy at ang ibang mga dancers sa studio. May show po silang kino-conduct doon.”

Dance your way into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon