6: Dance Your Way Into Love

44 2 0
                                    

Kay Buster ko naman ito ide-dedicate... Hahahaha, kaming dalawa kasi laging partners in Crime... Heheh... Pag-nagsusulat talaga ako ng mga ganito kwentuhan namin ni Buster ang naiisip ko... Hahahahaha...

Mwuaahhhssss.... Love Lotss!!!

Watch the video po ng another cinderella story, tango scene... Dto yun inspired... naks... hehe

-----------------------------

Chapter 6

Friday. 6:38 pm.

Malapit ng mag seven at matatapos na akong mag-ayos.

Sinusuklay ko na lang ang mahaba at tuwid kong buhok.

Nag-lugay na lang ako para magkaroon ng mysterious effect ang ayos ko. Bagay kasi iyon sa maskara at bistida ko.

Semi formal lang naman iyon kaya hindi na kailangang mag-long gown.

Isinuot ko na ang stiletto shoes ko at inihanda ang pouch ko.

Nag-apply lang ako ng manipis na pink lipstick sa labi at blush-on. Smoky eyes din ang style ng pagkakalagay ko ng eye shadow na lalong nagpa-emphasize sa mga mata ko.

All in all ay naging maayos naman ang lahat sa pagkaka-ayos ko.

Tok! Tok! Tok!

“Divine, nasa ibaba na si Lance.”

Si Nanay ang kumatok.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Nanay na manghang-mangha ang ekspresyon ng mukha.

“Ayos lang ba, 'Nay?”

Alanganin pa ako sa ayos ko. Baka pangit sa iba.

“Ang ganda mo, apo! Manang-mana ka sa lola noong kabataan ko.”

“Hahaha. Syempre, 'Nay… Kanino pa ba ako magmamana?”

Ayan nagbobolahan na kami.

“O s’ya… Ikaw ay bumaba na at naghihintay na sa’yo si Lance. Napaka-gwapong bata.”

Hahahaha.

Bumaba na ako at nakita nga si Lance sa salas.

Tumayo siya nang makita akong papalapit sa kanya.

Nakaka-boost ng ego ang pagkakatitig n’ya sa’kin.

I felt so beautiful.

I looked at Lance’s outfit and oh-la-la…

He looks so damn gorgeous with his tux and slacks.

“Wow! You looked… So… Divine!”

I giggled.

Lagi na lamang ganoon ang ginagamit na pang-describe sa’kin ni Lance. Siguro nga ay bumagay sa’kin ang pangalang Divine. Hahaha.

“Thanks. You looked gorgeous, yourself.”

Ngumiti s’ya. A shy smile that made him look even more gorgeous.

Kumapit ako sa braso n’ya ng palabas na kami sa pinto.

“Wait!” sigaw ‘yon ni Nanay.

Lumingon kami para lang makita si Nanay na may hawak na camera.

“Picture muna bago kayo umalis.”

Dance your way into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon