9: Dance Your Way Into Love

19 2 1
  • Dedicated kay Jerome Bacares Granada
                                    

Chapter 9

Katatapos lang ng klase namin at dahil sabi ni babes ko na panoorin ko sya sa studio ay doon na ako dumiretso kasama si Shane.

“Ang galing-galing talaga ni Lance mo!” kinikilig na sabi ni Shane habang papasok kami sa studio. Sa may bungad pa lang kasi ay kita na si Lance na nagko-choreograph ng isang step.

“Maka-‘mo’ wagas? Hahaha… Oo nga no, ang galing nga ng Lance KO!” hahahaha possessive daw ba? Okay lang yun likes nya naman yun eh.

Tapos pagkapasok namin ni Shane nakita n’ya agad ako kaya ngumiti sya. At dahil kitang-kita ang kagandahan namin ng best friend ko eh lahat sila nakatingin sa’min. Specially, si Jessica!

“Hello, po! Mag-o-audition po ba kayo dito?” tanong sa’kin ng isang girl. Ang cute n’ya with her large-rimmed glasses at ponytails. Hahaha… gusto ko syang ibalot at lagyan ng ribbon. Ang sincere pati ng pagkakasabi nya no’n kaya alam kong mabait s’ya.

“Pwede ba?” tanong din ni Shane.

Anu daaaaww?!!!

May balak pa yata itong si Shane na mag-audition.

“Uhmm… Pwede po kaso lang next week pa po ang start eh. You can come back na lang po!” naka-smile na sagot nya kay Shane. Waaahhhh… Ang cute n’ya talaga.

Na-sight ko naman si Lance na papalapit sa’min habang napapailing ngunit naka-ngiti pa rin.

“What’s up?” tanong ni Lance dun sa girl. Napatingin ‘yung girl kay Lance tapos ngumisi.

“The ceiling!” sagot ni girl.

Hannuuu daw??

Buffering…

Buffering…

“Very funny, Lei.” Say ni Lance tapos ginulo nya buhok nung girl na tinawag n’yang Lei.

Ahhh… ang slow ko! Hahahaha… Oo nga naman, ceiling nga naman ang nasa taas.

Binalingan ako ni Lance. Ngiting wagas na naman s’ya. Potekk lang! Ka-in-love. 'Di ako maka-get-over. Hahahaha…

“Hey, babe!” bati sa’kin ni Lance.

Nilingon s’ya ng lahat ng nakarinig sa kanya within ten feet radius.

Pati syempre ni Jessica-ehem… ehem… bruha!

“Hey to you, too, babe!” syempre pa-cute ako para masaya. Hehehe… Nakangiti silang lahat sa’kin. Pero syempre maliban kay Jessica. Bleehhhh!!!

“Babe? Hahahahaha… Yakss! Nice to meet you babe ni kuya Lance!” say ni Lei at inabot n’ya ang kamay nya sa’kin. Tinanggap ko naman iyon.

“Hehehe… Nice to meet you, too, Lei. I’m Divine, by the way.” Pakilala ko.

“And this here is Shane.” Pakilala ko naman kay Shane.

“Hi!” say naman nya tapos nagkamay na din sila.

Pagkatapos ng meeting na iyon ay bumalik din uli sila sa pagpa-practice.

Napag-alaman kong pinsang buo pala ni Lance si Lei. Kaya pala medyo may similarities ang features nilang dalawa.

---

“I don’t like her moves.” Comment ni Shane na nasa tabi ko. Parang sa sarili n’ya lang ‘yun sinabi dahil kay Lance at Jessica lang s’ya nakatingin habang sinasabi iyon.

“How come?” tanong ko naman. Nangingiti lang ako kasi seryoso talaga ang hitsura nitong si Shane. Gusto ko s’yang picture-an.

“Look, oh! Parang ang bigat n’ya gumalaw. You know! Basta, parang ako ang nahihirapang tumingin.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dance your way into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon