Mata sa punong Akasya

92 2 1
                                    

Veronica POV
Pupunta kami ngayon ni tatay sa bukid para anihin ang mga gulay para maibenta kina aling Dalia na suki na namin noon pa. Siya kasi ang kumukuha ng mga gulay namin yon nga lang medyo mura kung bumili pero wag ka kung siya na ang pinagbilhan ni walang kasing mahal.Pero gayon paman, ok na din kasi minsan pinapautang naman kami kung minsan.Lalo na kung kailangan kailangan talaga.
Medyo mataas na ang sikat ng araw ng dumating kami sa gulayan.Kaya sabi ni tatay doon daw muna ako sa Akasya para di daw mainitan at siya na daw ang bahala mamitas ng aanihin sanay daw siya na bilad sa init ng araw.Kaya pumunta na ako doon at umupo malapit sa maugat na puno ng akasya.
"Wow ang ganda dito napakasariwa ng hangin" habang ninanam-nam ko ang simoy ng hangin habang nakapikit.
✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍
Habang ninanam-nam ni Veronica ang masagana at sariwang hangin napa mulat siya at lumingon sa itaas ng puno ng akasya pagkat ramdam niya na may nkatingin sa kanya na para bang may dalawang mata na nakatingin sa kanya. Palinga linga siya para tingnan kung may tao ba. Tumayo ito at pumalibot sa malaking puno ng akasya habang nakatuon lamang sa itaas ang kanyang paningin. Ramdam niya rin ang pagtayo ng balahibo niya sa batok at ilalim ng tainga at kunting kaba sa dibdib. Nakaramdam siya na para may bumubulong sa kanyang tainga at parang hinihipan ito na kasing ginaw ng yelo na nagpa kaba sa kanya ng husto. Napa atras siya ng biglang may humawak sa kanyang balikat at siyay napalingon.

"Nak! Napano ka? Tanong ng kanyang tatay. "Ah wala po tay.sagot naman nito sa kanyang tatay. "Tara na ba baba na tayo para maibinta na to kina dalia."Sige po tay tara na po". At tumingin muli sa punong akasya, bago paman ito makahakbang nakakita siya ng anino ng tao pag tingin niya sa itaas ay siya namang pag lipad ng malaking ibon na maitim."tay nakita niyo ba yo? "Ang alin anak? "Ibon po.sagot naman nito sa kanyang ama. "Wala naman ah? Sabi ng kanyang tatay. "Baka po guni guni ko lang yon.Tara na po".
Sinimulan na nilang bagtasin ang daan pauwi.
✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍
Dito po muna. Comment po kung nagustuhan niyo.Salamat sa bumasa!👍

Alas TresWhere stories live. Discover now