Sapa at Daan

60 1 1
                                    

Veronica POV
Habang pa baba na kami ni tatay bit bit ko ang maliit na basket na may gulay at si tatay naman ay hawak ang dalawang basket na punong puno ng mga panlasang gulay tulad ng kamatis , atsal, sibuyas at luya.
Bago kami makatung-tong sa patag kailangan namin tumawid sa maliit na sapa at iikot sa mayabong na puno ng kawayanan at dadaan sa mga naglalakihang puno ng narra paglabas nito manga trenta metros nalang bahay na namin.
Patawid na kami ni tatay ng biglang may sumulpot na tumatakbong kabayo at kumaripas ito ng takbo patungo sa kakahuyan. Nanindig ang balahibo ko sa katawan pagtingin ko kay tatay napatingin din siya akin."Saan kaya galing ang kabayong yon? Pagtatakang sabi ni tatay. "Baka po kina mang Pedring.(si mang pedring ay may maliit na asyenda at nag aalaga din ito ng mga kabayot baka). "Baka nga anak." Bakas parin sa mukha ni tatay ang pagka bigla. Ngunit pinipilit nito na kalmahin ang sarili.
Nakatawid na sila sa sapa at tinahak ang daan pauwi, nalagpasan na nila ang kawayanan at tinahak na din ang kakahuyan , laking gulat nila ng makalabas sila nasa sapa ulit sila at kailangan ulit tumawid para makauwi. Sa pagkakatanda nila isa lamang ang sapa na kailangan nilang tawirin.
✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍✍

Anong kayang nagyayari sa daan

Dito po muna , update po ako bukas, comment po kayo , salamat sa nagbabasa,MUAHHHHHH

Alas TresWhere stories live. Discover now