Chapter 1

24 1 0
                                    


"Class, always be yourself. Never wish to be someone else. Because wishing to be someone else is wishing to be not born at all." Sabi ng teacher namin habang may pahand-gestures pa.

Really? Be yourself? Tapos pag sinunod mo yang 'be yourself' na yan they will judge you and criticise your ways? Ang gulo naman ng mga tao. Pag naging 'ikaw' ka, they will compare you to be someone else, to be greater than that someone that you can't be greater. Tapos sasabihin nilang be yourself? Especially yung mga parents, they will find a way to compare you. Yung mga teacher rin. They will compare you dun sa mga matatalino kapag di ka matalino.

Tapos BE YOURSELF? Ha?

Hindi ako galit.

Hindi talaga.

Hindi na lang ako nakinig sa teacher ko dahil puro motivational quotes lang naman ang mga pinagsasabi niya. Kesyo daw 'you only live once' tapos 'live your life to the fullest'. Tsk. Paano namin gagawin yan eh binubugbug niyo kami ng projects na wala namang connect sa lessons?

I yawned kasi inaantok talaga ako. At unfortunately, tahimik ang klase kaya rinig na rinig ni ma'am ang proweba ng kaantukan ko. Napatingin si Ma'am Reyes sa akin ng seryoso kasabay ng mga kaklase kong nakatitig sa akin. Kulang na lang isipin kong kriminal ako at nakapatay ng tao sa paraan ng pagtitig nila.

"Did you forgot Ms. Mendez? That yawning infront of a teacher that is discussing is offending? Tinuro ko yan sa inyo diba? Pag hihikab kayo takpan niyo ang bunganga niyo. Nagpapakahirap akong mag-discuss tapos hihikab ka lang diyan?" Seryosong tanong ni ma'am Reyes habang titig na titig naman sakin ang mga kaklase ko. I mentally rolled my eyes. Magaling sana siyang teacher pero minsan ang maliliit na bagay ginagawa niyang big deal.

Nag-sorry na lang ako dahil baka sa guidance office na ang bagsak ko pag sumagot pa ako. Hanggang sa nag bell na hudyat na recess na. Napabuntong hininga na lang ako saka ako tumayo at inayos ang mga gamit ko.

I was walking at the hall way nung biglang maraming nagbulungan at nagtilian. Tiningnan ko ang direksyon kung saan sila nakatingin at nakita ko ang tatlong lalaking naglalakad sa gitna ng hallway. Bulungan ng bulungan ang mga tao. At yung iba pa ay parang mga uod na tinapunan ng asin kung kiligin. Kulang na lang mangisay na sila diyan eh.

Tumingin ako ulit sa tatlong naglalakad na lalaki. Honestly, gwapo naman talaga yung tatlo kaso mas angat yung nasa gitna. Napatitig ako sa nasa gitnang lalaking iyon.

He's handsome at kung titignan mo, halatang isnobero at walang pake sa kanyang paligid dahil hindi man lang niya nagawang daanan ng tingin ang mga istudyanteng nakatingin sa kanya na nagtitilian, kabaliktaran ng dalawang kasamahan niya na ngumingiti pa ng tipid sa mga ito. He's tall. Maputi. Matangos ang ilong. Mapupula at manipis na labi. And his hair is messy but what the hell, it still looks good on him. Ang paglalakad pa lang niya ay sadyang ma-appeal na habang nakalagay pa ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaan niyang bulsa. He's not even trying to look hot in his school uniform. I mean he's just simply hot without even trying.

And why am i wasting my time looking and complimenting that guy?

But i know, that look is the typical play boy. Yung spoiled brat, rich kid, at cold hearted. Napairap na lang ako sa hangin dahil halos mahimatay na itong mga katabi kong tatlong babae. Napangiwi ako. Ang Oa naman. Minsan lang ba sila makakita ng gwapo? Eh ang rami-rami dito sa Harden University ha. Kalat na kalat.

Napailing na lang ako sa kanila saka ako nagtuloy-tuloy sa paglalakad papuntang canteen.

Actually, i'm just a scholar here. And i'm not rich. Tama lang. Nakakain pa rin naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Grade 11 ABM student ako dito. And di talaga dapat ako dito mag-aaral. Cause we don't have the capability na pag-aralin ako sa isang sosyal na private school katulad nito. But my parents keeps pushing me kasi maganda daw ang magiging kinabukasan ko dito.

Out Of ReachWhere stories live. Discover now