Chapter 2

15 1 0
                                    


Bumalik ako agad sa classroom ng makita ko ang oras. Shit. Patapos na ang klase. Bakit ba napasarap ang tulog ko? Kung hindi lang ako nagising ng dahil sa lalaking yun ay malamang hanggang ngayon tulog pa rin ako.

Pagkabalik ko ay pinagalitan pa ako ng terror teacher namin. Sinaktuhan pa talagang yung teacher namin sa math ang hindi ko napasukan. Tsk. Mapagiiwanan nanaman ako sa math nito eh.

Dumating ang uwian na hindi ko napapansin. Hindi ako nakapag-focus masyado dahil lumilipad ang utak ko ng dahil sa lalaking yun. Nacu-curious ako sa kanya. Di ko rin alam kung bakit pero i know that i better stop. Hindi naman ako mahilig mangealam sa mga problema ng ibang tao pero bakit nagkakaganito ako?

Napailing na lang ako saka inayos ang mga gamit ko sa bag at lumabas ng classroom. Sumalubong sa akin ang hangin at ang nag-aagaw dilim na langit. Mukhang uulan yata. Napatingin ako sa relos ko at napabuntong hininga ng makita kong ala-singko pasado na. Mahihirapan na akong mag-commute nito.

Agad akong tumakbo palabas sa gate ng school. Nang makalabas ako'y biglang umulan ng malakas. Napabuntong hininga na lang ako. Parang nanadya ang ulan. Nalaman yatang pauwi na ako kaya biglang umulan. Buti na lang at may waiting shed dito na masisilungan.

Tiningnan ko ang bag ko at hinanap ang payong ko.

"Grabe ang swerte ko naman. Wala pa talaga akong dalang payong ngayon kung kailan umuulan?" Sarkastikong sabi ko saka ngumiwi. Napapikit ako sa inis. Wala kasing tumitigil na jeep dito. Sa kabilang kalye pa kasi yung hintayan ng jeep. Hindi naman kasi ako katulad ng mayayamang istudyante dito na may sundo at may sasakyan.

Wala naman akong choice kaya tatakbo na lang ako papunta doon at magpapabasa sa ulan. 'Di na ito bago sa akin. Parang lagi namang nangyayari ito sa buhay ko eh.

Tatakbo na sana ako ng biglang may makita akong lalaki na naglalakad sa harap ko. Siya yung lalaking cold na pinagbintangan akong nai-eavesdrop. Nagpapaulan siya habang nakapikit at nakapamulsa pa na parang enjoy na enjoy ang ulan. Napairap ako sa hangin. Napakadrama naman nitong lalaking to para magpaulan pa.

Papabayaan ko na lang sana siya kaso naisip kong magkakasakit siya sa ginagawa niya. Pero hayaan na nga. Bahala siya sa buhay niya choice niya naman yan eh.

Grabe ka talaga. Hahayaan mo siyang magkasakit?

Napabuntong hininga ako ng biglang bumulong sa isip ko ang aking konsensya. Aish. Sige na nga. Baka hindi ako makatulog nito ng dahil sa konsensya ko.

Lumapit ako sa kanya at hinila ko siya sa braso papuntang waiting shed. Wala na akong pake sa ulan. Di naman ako sakitin. Halatang nagulat siya sa paghila ko sa kanya pero napasunod na lang siya sa akin.

Nang makarating kami doon ay kumunot ang noo niya at tumingin siya sa kamay kong nakahawak pa rin sa braso niya kaya agad akong napabitiw doon. Basang basa siya. Tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya papunta sa pisngi. Aakalain kong umiiyak siya kung hindi lang dahil sa ulan.

"Why did you dragged me here?" Seryosong tanong niya at tumitig sa akin. Napatitig ako sa mga mata niya. Napansin kong kulay tsokolate pala ito. Yung mga mata niyang laging seryoso. Yung parang pasan pasan niya ang mundo.

"Hoy. Tinatanong kita." Nagulat ako dahil bigla siyang nagtagalog. Di ko alam kung bakit pero parang gumanda lalo ang wikang filipino pagkatapos kong marinig ang tagalog niya—aish! What am i thinking?

"Kasi nagpapaulan ka." Tipid na sagot ko.

"Eh ano naman?" Nakataas ang kilay na tanong niya kaya napangiwi ako.

"You should thank me. Mukha kang lutang kanina na hindi mo man lang nalaman na may waiting shed naman na pwede mong silungan." Nakangiwing sabi ko at siya naman ay biglang sumeryoso.

Out Of ReachWhere stories live. Discover now