1

1.5K 18 3
                                    


Chapter 1

Umiiyak ako habang sumisilip sa munting slip ng cabinet na aking pinag tataguan. Dito ako pinatago ng aking ina. Nanginginig ako sa takot at pinag papawisan narin ng malamig dahil sa nakikita ko. Ang ina ko...

"Nasaan si Yarivette?! Ha nasaan?!" Anang lalaking nasa harapan ni Mama at tinututukan siya ng baril. Punong puno na ng pasa ang Mama ko, at parang gusto kong tadyakan ang mga lalaking ginagawan siya ng masama! Gustong gusto ko silang patayin! Gustong gusto kong kitilin ang buhay nilang walang kwenta!

Pero hindi ko magawa! Hindi ko magawa dahil takot ako at walang karanasan sa pag papatay ng tao, alam kong mali ang pag patay ng tao! Ang sakit lang kasi na wala akong magawa para iligtas ang sarili kong Ina! Pati na rin sa sarili kong Ama na namaalam na.

Dahil sa pinag halong takot at galit ko, wala akong magawa kundi sundin ang sinabi saakin ni mama na wag mag ingay at manatili rito sa loob ng cabinet.

"Walang Yarivette dito! Matagal na syang wala sa piling namin ni Anton!" Sigaw ni Mamma.

At dahil doon, sinampal siya ng lalaki. Napa kuyom ako ng kamao. Gustong gusto ko syang sampalin rin kaso, baka mamatay rin ako, baka parusahan rin ako at hindi ko na matupad ang pangako ko kay Papa at kay Mama.

"Sinungaling! Ilabas mo siya!" Sigaw pa ng lalaki. Tumingin siya sa kalalakihan na nasa likod niya. "Halughugin niyo ang buong bahay!!"

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at tinabunan ng mahigpit ang aking labi para hindi nila marinig ang iyak ko. Ayoko na! Mama!! Iligtas moko! Walang tigil ang pag buhos ng luha ko. O jusko, gusto ko ng matapos ito. Pumikit ako.

Naramdaman ko na may ilaw na tumama saaking mata at hinila ako palabas ng cabinet. "Q! Nahanap na namin ang bata." Rinig kong sabi ng lalaking may hawak saaking palapulsuhan.

Wag... maawa kayo... tama na..

"P-Please, don't hurt me." I pleaded between my sobs.

Hindi ko makita ang mukha ng mga lalaking nasa harap ko ngayon. Masyadong maliwanag ang nasa likod nila kaya na sisilaw ako.

"Hindi siya si Yarivette f*cktard!" Anang ng aking ina.

Naaninang ko ang ngisi ng lalaki, "f*ck you too bitch!"

And I heard a deafening sound of gunshot , l felt so numb.

"Mammaaaaa!!!"

Napabangon ako sa aking higaan. Humagulhol nanaman ako at yumakap saaking nga binti.

Umiling iling ako, ayoko nang mabuhay ng ganito, ayoko nang maalala muli ang pag kawala ng pinaka mamahal kong ina, tama na... pagod na ako kakaiyak sa loob ng 9 na taon.

Kinaumagahan, kumain ako kasama si Kuya Xander, ang tumayong kuya ko 8 years ago. Siya rin ang umaasikaso sa businesses na naiwan ng parents ko.

"Umiyak ka nanaman ba baby?" Tanong nya saakin ng nahalata niya ata ang mata kong namumula.

"I'm sorry kuya." Saad ko nalang habang hindi parin sakanya tumitingin at nag patuloy lang sa pag kain.

"Do you want to check you up?" Umiling iling nalang ako. Ayokong mag patingin sa doktor. Kasi sasabihin lang naman nila saakin na traumatized ako, tapos may mga therapy at mga gamot na ibibigay saakin pero wala namang epekto ang dinudulot nito saakin, mas lalo lang ata akong lumalala o kaya naman pag kamalan pa akong baliw ng ibang tao.

Bumuntong hininga si Kuya, "Okay, just tell me if you want check ups." Ngumiti siya ng bahagya saakin kaya ngumiti rin ako sakanya pabalik bilang pasasalamat na hindi siya umalis sa tabi ko. He always care for me and everything.

The Mafia is my ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon