Chapter One
Thirteen years ago...
"Tara. Ready ka na ba?" Tanong ng 18 anyos na babae, medyo may katangkaran, maikli ang makintab at maitim na buhok; hindi umaabot ang dulo ng buhok sa balikat, napagkakamalan itong tomboy dahil sa gaslaw ng kanyang pagkilos. Ngunit maganda at maamo ang maliit na mukha. Nasa labas siya at hinihintay ang kaibigan Isang madaling araw na aalis ito patungong Maynila at isasama niya ang matalik niyang kaibigan.
"Kinuha ko na lahat ng kailangan ko, wala na akong babalikan." Sabi ng isang mestisang babae, maganda ang hugis puso nitong mukha, mahaba at tuwid ang kulay honey nitong buhok at balingkinitan ang hugis ng kanyang katawan. Mas bata lang ito ng isang taon sa nauna "Hinding hindi na ako babalik dito. KAHIT KAILAN!" Matigas at sigurado na sabi niya sa kaibigan. Tinulungan siya ni Janna upang buhatin ang isang malaking bag na dadalhin niya at walang lingon likod na nilisan ng mag kaibigan ang lugar na iyon. Para sa isa'y nagbigay- kahulugan sa buhay niya ngunit para naman sa isa'y nag bigay pait sa katauhan niya. Ngayo'y sabay nilang haharapin ang kinabukasan na walang tiyak na patutunguhan. Pero para sa kanila ano pa ang paglalakbay kung walang hirap na daranasin? Gayunpaman ano man ang mangyari sa hinaharap, oras na lisanin nila ang kanlungan, kailangan nilang maging matapang para sa mga susunod na kabanata ng kanilang buhay.
Tahimik ang biyahe ng magkababata, nakasakay na sila sa bus patungong Airport na maghahatid sa kanila sa Maynila. Malayu layo pa ang biyahe, isinandal ni Samara ang likod niya saka pumikit, sinubukan niyang matulog. Dahil kapag natutulog siya wala na siyang nararamdaman, kahit man lang panandalian. 'Wag lang niya maisip na mali siya sa ginawa at bago pa niya maisip na bumalik sa pamilyang buong buhay niya ay nag sinungaling sa kanya. Masyado siyang nasaktan.
Hindi naman mapakali si Janna, hindi pa niya nasasabi sa lola niya na may kasama siya sa pagbalik niya, galing sa bakasyon. Paano ba niya ito ipapaliwanag sa lola niya? Iniisip na niya ang maaring maging eksena; pangangaralan siya nitong h'wag gawing bahay- ampunan ang maliit niyang bahay na nakatirik sa tabi ng kalsada. Well, sa totoo lang first time niyang mag papatira ng tao sa bahay nito, dahil halos lahat naman ng inampon niya ay puro aso't pusa napulot niya sa kalsada. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kaibigan- kung pwede nga lang eh. Isa pa, maiintindihan naman siya ng matanda kapag sinabi niyang nag iisang kaibigan lang niya si Samara, yun; intinding- intindi na 'yun.
"Janna, bakit ang tahimik mo? Hindi ka naman tulog" Biglang tanong ni Samara. Bahagyang nagulat ang tinanong at nanlaki pa ang bilugang mga mata nito ngunit sandali lang.
Paano nga'y nag iisip din siya sa kanyang sariling problema. "Iniisip ko lang na baka ngayon mga sandaling ito alam na ni tita Carol na kinidnap na kita." Pambibiro niya dito.
Natahimik si Samara sandali, ngayo'y magiging pabigat pa siya sa kaibigan niya. "I'm sorry..." Nasambit niya sabay yuko.
Alam ni Janna na hiyang hiya ang kaibigan niya sa kanya, hindi na kailangan pang itanong ang ganoong uri ng kilos. "Anong sorry..." Sabi niya at tumingin sa kabilang direksyon para maiwasan ang titig ng kaibigan niya.
Sumandal ulit si Samara, nag isip kung bakit sa tagal ng panahon na naglilihim ang itinuturing na magulang bakit kailangan pa niyang malaman ang katotohanan? Ito siguro ang sinabi ni Janna na may panahon para magpasan ng krus. Kung makikita pa niya ang tunay na ina, ibabato niya sa direksyon nito ang krus at hahayaan niya itong matumba sa bigat niyon. Ngunit wala siyang alam tungkol sa magulang niya. Kahapon lang niya nalaman ang tungkol sa sarili niya. Malay ba niya kung buhay pa ang nanay niya?
"Alam mo naman siguro ang pakiramdam na maging iba- kakaiba sa kanila." Patuloy niya at lumingon kay Janna. "Naalala mo noon, bago pa tayo maging mag best friend, halos mag isa ka lang pakiramdam mo kaaway mo ang mundo."
Seryoso ang mukha ni Janna at umalis sa pagka sandal, "iba si tita Carol sa'yo, Sam? Sobrang bait kaya niya sa'yo" Depensa niya, alam niya naghihimutok lang ang kaibigan niya.
Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Samara nang marinig ang pagkampi nito sa kalaban niya. Nairita siya at umalis din sa pagkakasandal. "Wala ka nang pinagtulungan ako nina Katherine at Jane, kung bakit ako ang paborito ni mommy samantalang AMPON lang naman ako!".
Medyo napalakas ang boses ni Samara at naramdaman ni Janna na tumingin sa direksyon nila ang ilang pasahero. Napabuntong hininga siya, "drama scenario pala ito..." bulong niya sa sarili. "Sam, tama na." Alo niya sa kaibigan sabay yakap dito. Pero tinabig ni Samara ang kamay niya.
"Huwag kang yumakap kung hindi ka naniniwala."
Nag galit galitan siya dito, "matampuhing unggoy na'to." Asar niya dito, saka sapilitang niyakap ang kaibigan. "Sam, may dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundo. Siguro hindi mo hinintay na magpaliwanag si tita 'no? Mai-intindihan mo rin siya balang araw."
"Ayoko! 'Eto na ang buhay ko ngayon walang lingon-likod ko 'tong gagawin. Selfish na kung selfish, pero kahit mamatay ako hindi na ako babalik sa kanila. 'Wag mo ibibigay ang bangkay ko sa kanila."
Itinulak ni Janna palayo ang kaibigan saka hinampas sa balikat. Napa- ouch naman ang isa. " Sira, bago ka pa maabo 'yung kambal na lang ang magki claim sayo. Sa tingin mo kukunin ka ng mga 'yun?"
Napa hagikgik si Samara at napangiti na lang si Janna. "Siya nga pala, 'yung pamilya mo sa Tondo, binalikan mo ba sila?"
Sumeryoso ang mukha ni Janna. "Ayoko. Nasa Makati lang naman ako kasama ng lola ko, malapit lang pero ni minsan hindi nila ako nagawang puntahan."
Hinawakan ni Samara ang kamay ni Janna, biglang gumaan ang loob niya. "So, tayo na lang pala talaga ang natitira. I promise you, never kitang iiwan," May ngiting sabi ni Samara sa kaibigan.
"Word. Humanda ka na, maya maya lang makikita mo na ang Maynila.
"For the first time." Bulong ni Samara sabay humugot ng malalim na hinga.
A/N: Hello, everyone! First time ko magsulat ng tagalog, sana tangkilikin niyo. Please vote and comment. Maraming Salamat.
BINABASA MO ANG
Midsummer
RomanceSabi nila may tamang panahon sa bawat bagay. Na lahat ay mangyayari sa takdang panahon. Na bawat desisyon na gawin ng tao maging maganda man o hindi ay nangyari dahil may rason. Sabi ng ilan lahat ng bagay sa mundo ay nangyayari dahil ginusto ng Di...