Chapter 4

1.9K 27 0
                                    

Pari: "Kate? Anong nararamdaman mo ngayon?"

Matagal bago sumagot si Kate. Pakiramdam ko maiihi na ako sa kaba. Gustong-gusto ko ng marinig ang isasagot nya.

"C'mon Kate. Speak it out."

Pari: "Bakit ka naiiyak Kate?"

Kate: "Napakatagal na panahon ko pong hinintay ang araw na ito Father. Gabi-gabi kong ipinagdarasal na sana dumating na ang araw na ito. At eto na nga po, sobrang saya ko po ngayon dahil sa wakas dumating na rin."

Pakiramdam ko hinihiwa paunti-unti ang puso ko. Hindi ako makahinga. Parang may namumuong init sa mga mata ko. SOBRANG SAKIT ng mga narinig kong salita. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Bakit ganito? Bakit hindi nya sinabi sa akin? Eh di sana napigilan kong tuluyang mahulog sa kanya. Edi sana hinayaan ko na lang sya dati pa. Ang sakit-sakit pala. Parang hindi ko kinakaya.

Patakbo kong tinungo ang kotse ko. Nahihilam na ako sa mga luha ko. Hinawakan kong mabuti ang manibela at walang habas na umalis mula sa lugar na yun.

Uuwi na lang ulit ako ng Tarlac. Magpapalipas ng sama ng loob. Iiwas na magkita kami ulit. Baka sakaling makalimot. Kailangan kong magsimula ng panibagong buhay. Yung buhay na walang Kate. Yung buhay na wala na ang apat na taon naming pinagsamahan. Kung alam ko lang na ganun pala kadaling pakawalan yun para sa kanya, eh di sana una pa lang tumigil na ako. Sana pala hindi ko na hinayaang mahulog ako ng todo sa kanya. Dahil sa bandang huli, iiwan din naman nya ako.

---

"Gising na Art! Anong petsa na. Mamaya gabi na naman pero tulog ka pa rin?"

Grabe ang tagal ko palang nakatulog -.- Alas kwatro na ng hapon. Hindi ko na nga alam paano akong nakauwi eh. Basta ang alam ko lang nag-inom akong mag-isa sa tulay. Tapos... Hindi ko na alam yung sumunod na nangyari.

"Oo na po. Nagugutom ako. Anong pagkain?"

You Are Mine (GxG) by Art Castelo (republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon