Chapter 1

6.1K 49 2
                                    

"Ikakasal na ako."

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama nya, habang nakatalikod sya sa akin at rinig kong nanginginig ang boses nya.

"Huy, gutom na ako. Tara na kasi sa baba. Ano bang handa mo?"

Nakatalikod pa rin sya sa akin. Kinakabahan ako pero wala akong ibang magawa. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin. Hindi ko rin alam ung ano ba ang dapat gawin.

"Bingi ka ba? Ang sabi ko ikakasal na ako!"

Alam ko galit na sya dahil tumataas na ang boses nya. Pero ano ba ang dapat kong sabihin? Congrats? Best wishes? I'm happy for you? Ang hirap naman ng ganito eh :|

 "Buti nahintay mo ako? Sorry ah. Ang toxic kasi ng CI namin sa duty, kaya ayun hindi kami agad nakauwi. Kain na tayo?"

Nagulat ako nang may iabot sya sa akin. Isang sobre. Alam ko na ang laman nito kahit hindi nya sabihin. Alam kong ito na yun. Nanginginig akong kinuha yun. Hindi pa rin nya ako tinitingnan. Gusto kong makita ang mata nya, kung ano ang sinasabi nito ngayon. Gusto kong malaman kung anong nasa isip nya. Kasi baka sakaling magbago pa ang isip nya. Baka sakali...

"Ninong ang Daddy mo. Gusto ng Nanay ikaw ang tumugtog sa kasal. Wala akong magawa. Pag tumanggi ako, magtataka sila. Kapag pumayag ako...alam kong masasaktan ka."

Tumayo na ako. Hindi ko na kaya ito. Paano mong tutugtugan habang naglalakad sa altar papunta sa ibang kamay ang babaeng pinakamamahal mo? Paano? Parang timang lang hindi ba? Alam ko hindi nya ako pipigilan. Apat na taon na naming itinatago sa lahat ang relasyong ito. Kahit minsan hindi nya ako pinigilan sa tuwing aalis ako. Lumabas ako ng kwarto nya, nandoon ang nanay nya, tatay nya... at ang boyfriend nya. Ang taong pakakasalan nya.

Pinilit kong ngumiti nang makita ko sila. Sa apat na taon, palaging ganito. Nagpapanggap kaming walang KAMI dahil may boyfriend sya. Oo, sabay kami ng boyfriend nya. At ang buong akala nila, matalik lang talaga kaming magkaibigan.

"Nay, Daddy, aalis na po ako. Tumawag na kasi si Mommy. Idinaan ko lang po yung regalo ko. Salamat po."

"Teka, mag-uwi ka na lang ng pagkain. Hindi ka na nakakain. Nasaan ba yang si Kate?"

"Ay naku, hindi na po. Salamat na lang po. Kailangan ko na rin po kasi talagang umuwi dahil dumiretso na po ako dito galing duty."

"O siya, sige. Mag-iingat ka sa daan anak. Dahan-dahan sa pagmamaneho ha?"

Isa... Dalawa... Tatlo... Ilang hakbang na. Alam kong imposible pero baka sakaling pigilan nya ako.

You Are Mine (GxG) by Art Castelo (republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon