Chapter 9

1.7K 24 1
                                    

{Teacher ko siya.}

 

Hindi sya nagsalita. Kung iba yun malamang nag-hysterical na, o kaya nanlaki ang mata, o kaya nagtanong ng sunod-sunod.

Pero tahimik lang sya. Alam kong nakikinig sya. Siguro nangangapa ng right words para hindi ako ma-offend.

{Paano nangyari yun?}

 

Sa wakas, nagtanong na din sya.

{Teacher ko si Kate sa Chemistry nung High School. Ready ka bang makinig? Kasi mahabang kwento ito.}

 

Natawa sya. Haha. Sa tagal naming magkausap, nun ko lang narinig ang tawa nya.

Napaka-genuine. Ang sarap pakinggan.

{Oo naman noh. Sige lang.}

{Nagka-boyfriend ako nung HighSchool. Yung boyfriend ko, super close sila ni Kate. To the point na na-issue din na may something sila ni Kate which is intriguing kasi teacher namin sya.}

Hindi sya nagsasalita. Siguro naghihintay ng susunod kong sasabihin.

{Hindi kami close ni Kate dati. Pero dahil gusto ng boyfriend ko, ayun. Gumawa sya ng paraan para maging close kami. So parang sya yung naging way para maging close kami ni Kate.}

 

{Tapos?}

{Tapos, time went by, nagbreak kami ng boyfriend ko. Ewan ko. Siguro di talaga nagwowork ang relationship kapag sa boys. Hahaha.}

 

You Are Mine (GxG) by Art Castelo (republished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon