Chapter [17]

59 2 0
                                    

Austin's POV

(Kapatid po ito ni Vanessa)

"nakita nya daw lumabas si nessa" sabi ko ng makalapit ako sa tumatawang si gab at parang naiinis na carl

biglang nawala ang tawa ni gab at kahit hindi nya sabihin, alam kong nagaalala sya para sa kapatid ko. lahat naman kami ay nagaalala. asan ka ba kasi Vanessa?

napatingin naman ako kay carl na nakatingin parin kay alisson

"anyare sayo? parang buhat mo lahat ng problema sa mundo woi" sabi ko kay carl. napatingin naman sya at si gab naman ay napatingin rin kay carl

"tss daming sinabi. hanapin na natin kapatid mo" sabi nya at kunot noong lumabas ng canteen.

nagtatakang tumingin ako kay gab at nag kibit balikat nalang sya at sumunod kay carl kaya ganon na rin ang ginawa ko

"hiwalay na muna ako. balitaan  kita pag nakita ko kapatid mo" ani carl pagkalabas namin ng canteen

magsasalita pa sana ako para sabihin na wag nalang pero umalis na sya kaya wala nakong nagawa

"anyare ba don?" sabi ni gab sakin

"ewan ko pre, pero anlakas naman ata ng regla nyan?" sagot ko sabay turo kay carl

Natawa kaming pareho at biglang tumigil si gab at parang nagtaka

"ano ba nilalagay pag may period?" tanong ni gab na may pagtataka talaga

nagulat ako at napaisip

"meron ba?" tanong ko naman

"alam ko meron, para walang blood na pumunta sa pants nila" sabi ni gab

tae tae bakit ito na topic namin

"ay bastaaa. hanapin na natin si nessa" sabi ko

"oo nga pala. nakalimutan ko. ung nilalagay kas-" ani gab

"tama na braaad" putol ko at natawa kaming pareho

pagtapos tumawa ay "saan natin hahanapin si nessa?" tanong ko 

he shrugged "hmm coffee shop?" sagot ni gab na nakatigil na rin sa pagtawa

napaisip naman ako. oo nga noh! "may point. mahilig magkape un" sabi ko habang tumatango tango

mapangasar naman akong tumingin kay gab

"alam na alam ah" pangaasar ko pa kay gab

"is this your way of saying 'woah great idea'? tss" said gab with a sarcastic tone

"suus kilalang kilala eh" pangaasar ko pa

"seriously dude, gusto mo bang hanapin si nessa o hindi" sabi nya at sinamaan ako ng tingin sabay naglakad na papunta sa parking lot

sowwwws apektado si gago HAHAHA

nagchuckle nalang ako at sumunod sakanya papunta sa parking lot

"isa nalang ba gagamitin nating kotse dude?" tanong ni gab

"oo. akin nalang" sagot ko at pumunta kung saan nakapark ang kotse ko at sumunod naman sya

Binuksan ko ang kotse  at pumasok na kami kaagad. pinaandar ko naman kaagad ang kotse palabas ng school at patungo sa coffee shop

"what do you think happened?" asked gab 

"i dont know. d nya ako kinakausap. baka may nalaman sya na d nya gusto? o kaya naman bad mood lang. moody ung babaeng un eh" sabi ko while keeping my eyes on the road

Being His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon