One Summer Love

14 0 0
                                    

Pano kung member pala ito ng budol budol gang at nasa ilalim na pala ng kapangyarihan ng hipnotismo sina mama at papa.

Nagsisimulana akong kabahan pero alam kong sa mga ganitong pagkakataong dapat presence of mind ang papairalin.

Kinapa ko ang aking celphone na palaging nasa bulsa.

Susmio kulasa, naiwan sa kwarto dahil sa wala sa timing na paggising sa akin ni mama.

Nakikita ko ang paminsan minsang pagsulyap sa akin ni Nico na tila ba hinuhuli nito ang aking tingin.

Pero yun ang hindi ko gagawin, nabasa ko yata sa isang article sa magazine na para hindi tablan ng hypnotism dapat huwag makipagtitigan sa kausap.

Over my dead body, hindi ako titingin sa mga mata nya ay hahanap ako ng pagkakataong na makatakbo sa kwarto pata makuha ang cp at tumawag ng pulis.

ONE SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon