continuation- One Summer Love

14 0 0
                                    

CHAPTER TWO

SA WAKAS, natapos ang aming hapunan na wala namang nangyaring masama sa aming mag-anak.

At ang kumag, hayun at masayang kakwentuhan ni papa sa kubo sa likod bahay.

Ako nama'y nautusang ipagtimpla sila ng kape samantalang si mama ang nag volunteer maghugas ng pinggan.

"Juvy anak, dun ka nga pala matutulog sa kwarto namin ng papa mo. Sa kwarto mo matutulog si Nico habang narito siya".

"Ho, 'Ma naman! Bakit sa kwarto ko pa po?" muntik ko ng mabitiwan ang tray ng nayimplang kape.

"Anak, nakakalimutan mo yatang dalawa lang ang silid ng bahay natin. At saka alangan sa master bedroom siya at tayo magsiksikan sa makipot na kwarto mo." Paliwanag pa ni Mama.

ONE SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon