One Summer Love

7 0 0
                                    

May after shock pa rin ako hanggang kinaumagahan na ako'y magising.

Dinatnan ko si mama na nagluluto ng almusal sa kusina.

Napaudlot ako ng utusang magtimpla uli ng kape at ihatid ko raw sa kubo.

Sumunod ako sa utos ni mama, pero sa pagkakataong ito, titiyakin kong hindi na makukuryente.

Naglalakad ako sa hallway papuntang likod bahay ng masalubong ko ang nakakawalang si Cokie.

"Hey, sweetie, stop it.." patuloy nitong dinadamba ang dala kong tray na may lamang tasa ng kape.

Sa pag iwas ko kay Cokie,napahakbang ako paurong at laking gulat ko ng may masandalan akong tila matigas na pader.

Masarap sa ilong ang mabangong halimuyak na tila mainit init na hangin.

Tiyak kong walang hangin ng mga sandaling iyon.

Awtomatikong napalingon ako.

At malaking pagkakamali ang ginawa kong pagpikit.

Agad lumanding sa mga labi ko na bahagya pang nakabuka ang mga labi ng kumag na Nico na 'yun.

Smack lang..pero pakiwari ko tumigil ng ilang minuto ang pag inog ng mundo.

Nahihilo ba ko, bakit parang mabubiwal ako?

Pagdilat ng mga mata ko, mukha ni Nico na ilang inches lang ang layo sa mukha ko.

Mabuti na lamang at ang isang braso n'ya ay nakapulupot sa beywang ko. Dahil kung hindi baka pulutin akong nakatihaya sa semento.

Hindi ko na rin alam kung paanong ang tray ng kape ay nakuha nya ng hindi ko namalayan.

Ganun kalakas ang epekto sa akin ng sandaling halik na iyon.

"Are you okay, miss masungit?" sarcastic na tono nito.

"Judas" maikli kong nasabi.

"Ako na magdadala nito sa kubo, better to go inside." waring nakakalokong sabi nito.

Inis na inis akong nag martsa pabalik sa loob ng bahay.

Ang sabi ko hindi na ko makukuryente sa kumag na 'yon pero ano itong nangyari daig ko pa ang na tornado.

"Aba Eduviges, kaaga naman yatang mainit 'yang ulo mo."

"Ma, Juvy po." Mas humaba pa yata ang nguso ko.

"Oh siya sige Juvy na nga, 'yang nguso mo pwedeng itirintas baka umabot na yan sa sahig."

Hindi ko na lang pinansin ang pambubuska ni mama. Alam ko namang ang gusto lang n'ya ay

mapangiti ako.

Pero hindi ko ginawa.

Sinira talaga ng kolokoy na 'yun ang umaga ko.

"Sumunod ka sa kubo ha, kakain na tayo." maya maya narinig ko ang boses ni mama na tila papunta na sa likod bahay.

"Dito na lang po ako, 'ma.". no way ayoko ng makaharap ang mokong na 'yun.

Nakapaligo na ako at handa ng pumasok sa upisina. Hinihintay ko na lamang si papa para maihatid ako.

Retired government employee si mama samantalang retired school principal naman ang aking papa.

Kaya mula ng sila'y sabay na magretiro naging routine na ni papa ang maghatid sa akin sa pinapasukan kong Real Estate Company. Na pag aari naman ng tito Arnel ko ,panganay na kapatid ni papa.

Si mama naman naging kasiyahan na ang mamalagi sa bahay.

ONE SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon