One Summer Love

11 0 0
                                    

"Oo nga naman, naunawaan ko naman si mama. Pero hindi ko maunawaan kung bakit dito pa piniling tumuloy ng kumag na yun, samantalang kung totoong galing ng abroad bakit hindi na lang nag check in sa hotel. Hindi 'yung ganitong nang abala pa ng mga tao.

Ngayo'y naniniwala na ako na hindi budol budol gang member si kumag, pero inis pa rin ako sa kanya.

Iniabot ko kay papa ang tasa ng kape at matapos ay kay kumag naman.

Muntik ko ng mabitiwan ang tasa ng kape ng di sinasadyang madikit ang daliri ko sa dulo din ng daliri niya.

Wala siyang hipnotismo pero may kuryente..grounded ang buo kong katawan at isip ng magdamag na iyon.

Pakiramdam ko'y idlip lang ang naitulog ko sa buong isang gabi.

ONE SUMMER LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon