🏐 | OO4

321 22 10
                                    


-AFTER EATING-

"Salamat talaga Kei! Next time ako naman ang manlilibre sayo!" sabi ni Yachi kay Kei. Inayos ni Kei ang kanyang salamin bago nag-iwas ng tingin kay Yachi.

"Dapat lang."

"Kasama rin ba kami ni Yamaguchi sa libre?" tanong ni Shoyo na nagpupunas ng dumi sa mukha.

"Hindi. Kuripot ka kasi at tsaka mayaman naman si Tadashi kasi Yama-Gucci siya."

"Nye corny." pang-aasar ni Shoyo kay Yachi kaya naman nakalasap siya ng hampas mula dito.

"Kung hindi kami kasama ni Shoyo, edi date niyo iyon ni Kei? Ayiee~" si Tadashi naman ang nang-asar.

"Hmm, siguro? Date tayo Kei?" basta bastang tanong ni Yachi kay Kei.

"Kailan?"

"Bukas? Wala naman tayong pasok bukas diba?"

Ang hindi alam ni Yachi, nakikinig sa kanila si Ryu at sa tai niya ay si Yu na nakasimangot.

"Tanaka-senpai! Nishinoya-senpai!" bati ng maingay na si Hinata Shoyo.

"Uy Hinata! Hindi ka namin napansin! Hindi rin kami nakinig! Napadaan lang kami!" halatang pagsisinungaling ni Ryu pero masyadong inosente si Shoyo kaya naniwala siya doon.

"Ah! Tanaka-senpai, Nishinoya-senpai, eto nga pala ang mga kaibigan ko. Si Hitoka Yachi, Tsukishima Kei at Yamaguchi Tadashi." pagpapakilala ni Shoyo pero nag-uusap pa rin si Kei at Yachi kung kailan sila mag-dedate.

"Next Saturday na?"

"Oo, may pupuntahan kasi kami bukas."

"Wow! Saan?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Kasi curious ako?"

"Interesado ka sa akin?"

"HOY! MAHIYA NAMAN KAYO SA SENPAI NATIN!" natigil ang dalawa dahil kay Shoyo. Yumuko si Kei bilang pagbati pero si Yachi ay napatitig kay Yu na nakatingin din sa kanya. Hinawakan ng malaking kamay ni Kei ang ulo ni Yachi bago ito pinayuko. 

"Aw!" reklamo ni Yachi bago inayos ang kanyang maikling buhok.

"Tanaka Ryu at Nishinoya Yu senpais."

"Nice to meet Yuuuu po." pagbibiro ni Yachi na agad kinangiti ni Yu at Ryu.

"Senpai! Ilibre niyo naman kami ng ice cream!" walang hiyang sabi ni Shoyo.




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
❛ ˢᵉⁿᵖᵃᶦ  ً ⁿ‧ʸᵘTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon